-Allyson-
*bbrrroookkk brrroookkkk brrrooookkk*Tunog ng lecheng motor na pawalan ng gasolina. Bakit ngayon pa? Seryoso? Kung kailan unang araw ko pa naman sa highschool kaya bakit ngayon pa?! Paano kong maipapasinag ang kagwapuhan ko sa bago kong klase kong ganitong late ako agad? Bad shot agad leche.
"Kuya!?! Anong nangyare!?!! Bakit ganito naman, huhu!!" narinig kong reklamo ng pasaherong babae sa loob. Babae pala 'yun. Muntik ko ng mapagkamalang brusko 'yun kanina ah. Ang angas kasi ng mukha. Akala mo mananapak lang sa kanto.
"Obvious ba ate? Sige na bumaba ka na maghanap na lang kayo ng ibang masasakyan." hirit ng driver.
"Kuya? Kailan ka ba huling nagpa-gas? Mukhang tinitipid mo ng husto ang tricycle mo ha?!" pagsasalita upang mapansin nung babaeng nasa loob. Mukha naman siyang estudyante eh. Anong malay natin baka pareho pala kami ng eskwelahan at baka mag kakklase pa kami kung susuwertehin.
"Pasensiya na boss. Magbayad na lang po kayo ng kalahati tapos mag abang na lang po kayo ng iba."
Ganito ba ang kalakaran ng sakayan dito? Patay. Dapat kasi tinanong ko muna si Ninang kung pa'no sumakay at magbayad. Mukhang kotong 'tong driver na 'to eh. Leche.
"Hoy miss! Anong ginagawa mo?!" paninita ni kuya driver ng sipain nalang ng malakas nung babaeng pasahero ang tricycle niya.
Syempre nakalampag ito kaya napababa din ako. Tignan mo nga naman. Mas matatapang na talaga ang mga babae ngayon kesa sa mga lalaki eh. Mukhang galing pa sa taas ng bundok ang amazonang ito at mukhang hindi niya gustong makotongan siya.
Nagtagpo ang mga mata namin at kaagad ko naman siyang nginitian. Nagulat ako ng isnobin niya ang kagwapuhan ko. What the heck?! Sabi na hindi 'to babae eh. Wala pang tumanggi sa makamandag na ngiting ipinaman pa sa akin ng mga ninuno ko.
"Manong driver??!!! Kung ako sa inyo, ipa-pajunkshop ko na ang antique mong tricycle! Kuya naman, hayaan mo din sanang mamamahinga 'yang tricycle mo dahil mukhang pinagdamutan niyo na. Kainis naman ohh!! Mala-late na ako lalo nito eh!!!" pag atungal niya.
Sumali naman ako sa usapan nila. "Hey miss. Same here. Mala-late na din ako." Muli akong ngumiti para tuklawin siya ng kilig pero tama nga talaga ang hula ko. Hindi talaga 'to babae.
"Ano ngayon?!! Edi ma-late ka, pake ko!! Epal!"
Brusko. Nanlalaban. Bigla tuloy akong nagkaroon ng interes na pakelaman ang buhay niya. Ngumiti nalang ako kahit ramdam kong natapakan niya ang ego ko. Lakas makatanggi nito sa grasiya ah.
"Hoy miss! May sentimental value ang tricycle kong ito, aba! Galing pa ito sa tatay ng tatay ko para lang alam mo!" hirit ni kuya driver.
"Kung gano'n naman pala, bumili na kayo ng bago manong!! Pambihira naman oh. Kokotongan mo pa ko eh wala pa ngang tatlong kilometro ang minaneho mo." bira nung amazonang brusko.
"Miss ako din!" ngiti ko ulit para muling magpapansin sa kaniya pero inirapan nalang niya ako. Ano kayang klaseng babae siya at natitiis niyang hindi kiligin sa 'kin?
"Miss magbayad na lang kaya kayo?" paniningil muli nung driver. Bahala siya. Hindi ako magbabayad hangga't hindi nagbabayad ang babaeng 'to. Alam niya kung paano ang kinkotongan kaya gagaya ako sa kaniya. Total wala naman akong alam tungkol sa kalakaran dito sa liblib na baryong ito, kakapit nalang ako ng tulong sa kaniya.
Ako naman ang binalingan ng atensiyon nung driver at pilit akong sinisingil. Mukhang alam niya na dayo ako dito kaya pinagsasamantalahan niya ako. Akala lang niya.
BINABASA MO ANG
Eversince I Love You
Genç KurguDo you need to count how long have you been inlove? Or when did you move on so you can finally say that your heart is no longer inlove? Do eversince exist? Or we just only hope that we made things first done before the run began? I love you eversin...