-Kim-Maaga akong nagpunta ulit sa bahay nila Nicole hindi para masilayan ang pagmumukha ng nakakalokang haponess kun'di para makipag-ayos sa kaniya at makapagsimula ng mapayapang kalakaran at samahan.
'Di ko naman sinasadiya 'yung nangyari kahapon ehh, nadala lang ako ng sobrang pagkabobitang-shunga plus kaba plus pagka-praning kaya ang resulta, ayun na nga. Nakakainis naman kasi ang entrance niya ehh, kailangan ba gano'n kabongga? 'yung tutok na tutok sa mukha gano'n? Ta's 'yung mga tingin niya pa. Akala niya por que singkit siya 'di ko mapapansin kung paano siya tumingin?
Utut niya.
Nandito ngayon ako sa baba sa sala nila Nicole at dahil welcome ako sa bahay na 'to, dumaan ako sa bintana ng cr at salamat na lang dahil kasiyang-kasiya ang napaka-seksing walang kagaya ko. Flexi kung baga.
"Kim?" pagtataka ni Nicole habang pababa ng hagdan na magulo pa ang buhok at pakusot-kusot pa ng mga mutabells niya.
"Uy!, gising ka na? Morning." bati ko habang ngumunguya ng pagkain.
"Hindi natutulog pa nga ako ehh, sleep walking lang, Goodnight na sige, balik na ako sa kama." pamimilosopo ng babaita.
"Hahahaha. Sige tatawa na ako total nakalibre ako ng umagahan. Ayaw mong kumain muna? Sige na. 'Wag na. Get back to sleep na poo." pag sagot ko din naman sa kaniya.
"Grabe ha, nahiya naman ako sa bahay mo atih. Sorry po ahh, naistorbo ko pa po ata kayong may-ari nitong bahay sa inyong pagkain ng umagahan." sadista niyang pambabara habang hinahawi ang buhok niyang kanina lang ay magulo.
"Okay lang. Alam mo naman 'di lang ako maganda eh, mabait pa." subo ko ulit sa isa pang kutsara ng kinakain ko.
"Eh he hehe." umirap siya ng mata at kumuha ng pinggan. "Wait, mmm. Ang bango ah, natanggal ang stress ko sa 'yo dahil sa sarap ng amoy. Parang first time kong kakainin 'to. Amoy pa lang nakakabusog na. Sa'n ka nakalibre nito?" pag upo ni Nicole sa tabi ko na may dala ng plato.
"Edi amuyin mo na lang. Busog ka na din naman. Stress ka pala sa akin ahh." bira ko ulit sa kaniya sabay bumatok sa akin. "Ara-"
"Alugin lang natin ng slight, baka sakaling maayos pa." pambubuwisit niya.
Nangamot na lang ako ng ulo at tuloy lang sa pag-nguya kahit nasira na ang magandang ambiance ng breakfast ko. Hehe. Nag pout pa ako habang pa cute na ngumunguya.
"Ampanget. 'Di mo bagay. Mukha kang bibe na naipitan ng leeg. 'Wag mong sirain ang mood ng umaga at sagutin mo na lang ng matino 'yung tanong kong matino."
"Saan pa ba?!" pagdabog ko. "Edi dito! Kung makakalibre ako ng pagkain malamang sa malamang nagsosolo ako sa baniyo ngayon. Tsk!" inis ko daw kunwari para mairita rin siya at masira ang umaga niya. Gantihan lang naman 'yan eh.
"O 'diba ang dali lang? Ganiyan-ganiyan ka pa, mamayang iharap kita kay Arlo baka mag-migrate 'yang mukha mo sa hiya."
BINABASA MO ANG
Eversince I Love You
Teen FictionDo you need to count how long have you been inlove? Or when did you move on so you can finally say that your heart is no longer inlove? Do eversince exist? Or we just only hope that we made things first done before the run began? I love you eversin...