Chapter 31:Go Back To Zero?

7 4 0
                                    

-Kim-








*flashback*










"Ito si Creme, at ito naman si Tails. Hindi ba parang tayo lang sila?" ipinakita ni Arlo ang print out na picture ng dalawang cartoon character.











Kinuha ko 'yon at pinagmasdan ng mabuti ang larawan. Ang sweet nilang dalawa, naglalaro lang sila sa ilalim ng puno at masayang nagtatawanan. Tama si Arlo, parang kami ngayon sa ilalim ng puno ngayon.














"Ngumiti ka. Ibig sabihin napagtanto mo na rin na parang tayo sila." na-iangat ko ang ulo ko at gulat na napatingin kay Arlo. "Hmm, may iba ka bang iniisip?" ngumiti siya at muling naningkit ang mga singkit niyang mata. Nakakainis 'tong batang 'to! Bakit ba sobrang cute niya pag ngumingiti siya ng ganiyan. 'Di ko tuloy maiwasang ma-fall kada segundo. Wao segundo talaga? Ang lanjoot ha.













"Assuming!" tumayo ako at tumalikod sa kaniya para itago ang mukha ko na sikretong ngumingiti.









"Kung gano'n, ano ang iniisip mo at ngumingiti ka ng ganiyan??" naka-ngiti pa rin ako nang mabilis siyang lumitaw sa harap ko kaya nakita na naman niya ang pag ngiti-ngiti ko na parang baliw.








Dahil sa gulat ko sa pag sulpot niya sa harapan ko, hindi ko nakontrol ang mga kamay ko para masampal siya ng malutong. Kasi naman ehh, ang lanjoot-lanjoot ng galawan niya. 4Ng J3j3 nIyU4H! Haha.









"Awts. Ang sakit mo pa lang manampal." napa-upo siya sa lupaan at hinawakan ang pisngi niya.










Nilapitan ko siya agad para humingi ng tawad at tignan ang mukha niya dahil biglang nalukot ang mood niya sa pag sampal ko sa kaniya. "SANDALI NGA! SORRY! Ikaw naman kasi ehh. Alam mo namang magugulatin ako. Saan ang masakit? Kiss ko-chot." idinapo ko ang mga daliri ko sa mukha niya at tinignan ang bawat anggulo ng parte na sinampal ko sa kaniya. 'Saka lang ako bumalik sa ulirat ko ng mapansing sobrang lapit na pala ng mukha naming dalawa. Kung malakas lang ang pandinig ng kumang na 'to, baka nag e-echo na sa tenga niya ang kabog ng puso ko.












Mabilis kong itinapon ang mukha niya sa ere at lumayo agad sa kaniya kaya napa-upo na rin ako sa sahig. Ramdam kong nag iinit ang mukha ko at hiyang-hiya ako sa sarili ko ngayon kaya hindi man lang ako makatingin sa side niya at 'di ko din naman magalaw ang katawan ko kahit na gusto ko ng umalis.










"BOO!" lumapit na naman ang mokong sa akin at ginugulat ako na parang bata.












"Anong ginagawa mo?" naiilang kong tanong sa kaniya.








"Puso mo ba 'yung nag iingay kanina? Ang lakas ng tawag sa pangalan ko ahh. Pero 'di nga. 'Di ka ba nagulat? Sampalin mo ko ulit dali!" pumikit siya at inilapit niya ang pisngi niya para sampalin ko daw ulit. Ngiting-ngiti na naman siya at talagang desidido siya na masampal ko. "Boo?" isinilip niya ang isang mata niya habang naka-side siya at inaantay ang pag sampal ko.











"Bakit? Nasiraan ka na ba talaga ng utak? Feeling close ka na talaga sa akin ahh. Hindi por que nakita kitang naliligo ga-ganiyanin mo na 'ko. Tss." napa-irap ako at nakita ko sa side ng mata ko na napasimangot ang utak-monggoloid na hugis lapis ang tabas ng mukha. Hehe joke lang.










Eversince I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon