-Kim-
"SINONG GUMAWA NON?!! SHUTRAGIS AKALA KO BA FICTION LANG 'TO? AKALA KO BA PELIKULA LANG 'TO?? BA'T GANIYAN?? BAKIT MAY PERSONALAN NA AT DAMAYAN NG BUHAY?? KUNG MAY GALIT KAYO PWEDE NAMANG PAG USAPAN NALANG NATIN 'DI BA?? SO SINONG GUMAWA NUN SHUTRAGIS NANGGIGIL AKO AH! KUNG SINO MAN 'YUN PUMUNTA KA NA DITONG HUBAS KA AT NG IPA-TRY KO MUNA SA 'YO KUNG ANONG FEELING NG GUMULONG PABABA MULA SA BUNDOK NA 'TO SIGE! HALIKA DITO KUNG MATAPANG KA!" pangigigil kong sigaw at nanahimik naman ang lahat. Aba iaang malaking hubas na shutragis ang nagtangka sa buhay ko bwisit siya. Hindi ba niya alam kung gano kalaki ang mawawala sa ekonomiya kapag nawala ako? Ha?! Ako rin hindi ko alam eh.
'Wag lang siyang magpapakita sa 'kin dahil nanginginig na talaga sa inis ang kalamnan at apdo ko. Baka matanggalan ko siya ng leeg kung sino man siya. Tapos palitan ko ng binti 'yung leeg niya. Shutragis nangigigil talaga ako eh. Gigil si Kim Kyla Millicent Dela Fuente!
"Ako." pag volunteer ng isang babaita at confident na hinarapan ako. Aba. Matapang 'to ah. Nakausap mo na ba pamilya nito direk? Sinabihan mo na ba silang tayo na ang gagastos sa pagpapalibing dito?! Sabihin mo na nangigigil na akong pumatay, eto na talaga at yari sa 'kin ang babaeng 'to!
"Ikaw?! Matapang ka ah!" umalis ako sa mga galamay ng mga kumang at nilapitan siya dahil gigil na gigil na talaga ako eh. Patitikimin ko lang 'to ng konting kamay ko. Konti lang naman. 'Di pa naman niya ikamamatay. Hindi agad. "Pasabunot lang ah. Nangigigil na talaga ako eh! Buhay ko 'yun teh! Mamuntik na akong mamatay dahil sa kademoniyohan mong babae ka!"
"MAX!"
"Aray!! HOY SINO 'YON! DIRETSO SA LUGA KO 'YUNG SIGAW AH! NAGMURA KA PA!" pagdaing ka sa kung sino mang kumang na sumigaw. Masakit talaga eh. Kala ko nga malalaglagan na ko ng luga. Now is not the time.
"Leave. Please leave." pagsasalita ni Ian. Siya ba 'yung sumigaw? Sigawan ko nga rin.
"Kilala mo 'tong babaeng 'to?" pagtatanong ko tapos nagsitinginan sa 'kin ang mga kumang. "Chot. Kilala ko din 'yan. Si Maximalantod 'yan eh. Hard to forget! Pero easy to get iww." panglalait ko sa kaniya at saka niya ko sinabunutan dahil nga nakatalikod ako. Chot. Ewan. Nalilito na ako sa likod ko na 'yan ah. Direk naman kasi eh. Mura lang naman magpaturok. Kahit tatlong session lang oh. O kaya apat. Para pantay.
"MAX TUMIGIL KA NGA!!" sigaw na naman ng isa pang kumang. Nakita ko kung sino 'yun. Hehe. Nakaharap ako. Chot. Direk oh. Walong session na!
*insert:sigaw ng mga chikadora na medyo OA*
"Tigil! Stop right there." pagpapahinto ko kay Ian na gustong umepal sa eksena namin ni Maxima. Aagawan pa ako ng kaaway eh. "I can handle this, okay. Akin 'to. Ako 'to. Kami lang 'to. Walang eepal."
"Matapang ka na ngayon ah. Sige! Walang eepal sa inyo! Hayaan niyo kami!" paggaya ni Maxima sa kayabangan ko at binitawan ang buhok ko. "Ayan. Simulan natin sa una."
"Ayaw mong pasabunot muna din? Lugi naman ako niyan eh. Dapat pasabunot din para kwits." sabi ko habang inaayos na 'yung buhok ko para ready na sa magandang sabunutan. Para maganda parin kahit nasasabunot.
BINABASA MO ANG
Eversince I Love You
Teen FictionDo you need to count how long have you been inlove? Or when did you move on so you can finally say that your heart is no longer inlove? Do eversince exist? Or we just only hope that we made things first done before the run began? I love you eversin...