-Kim-
Sigurado ako hindi na ako magugulo pa nina Ian at Max. Makakalayo na rin ako sa lugar na ito at kakalimutan lahat ng nangyari. Ibabaon ko ang mga alaalang ito na mas malalim pa sa nakatayong gusali. Sisiguraduhin ko ring wala ng makakahukay nito at wala nang gagalaw pa ng mga ito. Pasalamat sila ako na ang gumagawa ng adjustment.
Aba! Sa totoo lang hindi dapat ako ma-guilty at lumayas mula sa eskuwelahang ito dahil wala naman akong kasalanan eh. Pero dahil ayokong makisama sa mga animals na 'yun, ako na ang aalis sa zoo nila. Masiyado akong maganda para mag stay pa du'n.
Sa gitna ng pag iisip ko ng malalim, bigla ko na lang naramdaman ang pagkirot a
ng sugat na iniinda ko. Literal na sugat, galing kay Max. Walang'ya siya. Unfair eh. 'Di ko siya masugatan lang ng basta-basta dahil sa kapal ng balat niya.Anyways, sana naman mas matino na ang lilipatan kong eskuwelahan noh. Sana malayo na sa gulo. Sana wala ng sagabal, wala ng tulad ni Ian at Max na mga shutragis na mangs-stress sa apdo ko.
Pinagiisipan ko lang kung sa'n kaya ako lilipat ngayong highschool? Siguro okay na ako sa maliit na school basta nga wala lang katulad ni Ian at lalong-lalo na 'yung katulad ni Max na mga wild fish.
Ewan ko lang kina Sandra at Bea. Sila kasi may kaya sila kaya ang gusto ng mga magulang nila sa private school na lang. Nakakalungkot pero 'di ko naman pwedeng sabihin sa mga magulang nila na tita, tito hayaan niyo na po kaming magsama-sama. Nagmamahalan po kami. Pabayaan niyo na po kami kaya na namin 'to. Ode sinaksakan nila ako ng tsinelas sa bunganga ng 'di oras neh?
Ito ahh. Nabalitaan ko lang 'to (kahit wala naman akong pake eh narinig na ng mga tenga ko eh). Dahil nga maliit lang naman ang baranggay namin, paikot-ikot lang ang tsismis dito. Ang sabi-sabi, sa private school din daw papasok si Ian ngayong school year. Isang maganda at pang-mayamang private school daw 'yun na syempre, mula sa scholarship na ninakaw niya sa akin. Ayun, pasalamat talaga siya sa akin at may magandang eskwelahan siya ngayon. Ganu'n din daw si Max. Magpasalamat din dapat siya sa akin ah, kasi kun'di dahil sa akin, hindi siya tatanggapin sa highschool. Mahigpit pa naman daw 'yung private school na 'yun. Tsk. Kala mo naman kakayanin niya.
Bahala na sila sa mga buhay nila. Kainis! Ayoko ng makarinig pa ng kahit na anong uri ng tsismis tungkol sa kanila. (Well maliban kung ang tsismis eh pag may masamang nangyari sa kanila. Aba. Napagtripan na sila ng karma, thank you). Naaalibadbaran ako. Kumukulo apdo ko sa panggigigil at baka mapag-untog ko 'yang ulo nila edi maging iisa ang hiningang dadaloy sa mga bunganga nila. Okay 'yun. Mukha na talaga silang mga basura. Ina-absorb nu'ng isa, nire-recycle naman nu'ng isa pa.
Change topic.
Si Arlo kaya? Kung sanang alam ko lang kung saan siya nag aaral ngayon du'n na din sana ako. Sana kasama ko na lang siya. Atleast siya hindi niya magagawang saktan ako. Nasaktan niya pala ako. Pero atleast nga 'di ba, 'di hamak naman na mas demoniyo si Ian ke'sa sa kaniya. Sana siya na lang talaga. O 'di kaya si Nicole? Chot. Private school din pala.
BINABASA MO ANG
Eversince I Love You
JugendliteraturDo you need to count how long have you been inlove? Or when did you move on so you can finally say that your heart is no longer inlove? Do eversince exist? Or we just only hope that we made things first done before the run began? I love you eversin...