-Kim-
So ano bang inaasahan? Syempre gaya ng nakatakdang mangyari. Lutang ako at nakaasinta na ang bunganga ni mama sa 'kin.
"Ano bang ginagawa mo sa buhay mo Kim?!!"
"Nag aadik ka na ba anak?!!"
"Anak may problema ka ba sa school? Sabihin mo lang sakin?!!"
"Sino ang mga kasama mo ah!?!"
Sunod-sunod na pag bira sa 'kin ni mama kagabi. 'Di ko na masiyadong marinig 'yung ibang sinasabi niya dahil lutang talaga ako sa pagod. Tango lang ako ng tango kaya nu'ng tinanong ni mama na nag aadik ba ako sumadsad ang mukha ko sa sahig at doon tuluyan akong natulog. HAHA! Kagagahan ko eh. 'Saka lang kami nagkausap ng matino ni mama kaninang umaga dahil medyo bumalik na ako sa katinuan. Naintindihan naman ni mama eh. Alam naman daw niyang 'di ako adik, mukha lang. O 'di ba napaka-suportib? Ahahahahah!!
"Sigurado kang ayos ka lang?" pagtatanong muli ni mama ng pasakay na ako ng tricycle. "'Wag ka ng mag adik anak ah? Sapat nang pangit ang mukha mo, please?" pang-iinis pa ni mama. Ah talaga lang ah? Nanay po ba talaga kita? 'Yung trueleta? Ouch naman po kasi. Kadugo niyo po 'ko hello? Chot!
"Opo, Ma. Grabe naman kayo sa 'kin. Mas maganda pa naman ako sa pulubi noh?!" pagtatanggol ko sa sarili ko. "Tss, mauuna na nga po ako."
"Ito naman nagbibiro lang. Baliw ka lang pero 'di ka pa adik-adik. Alam ko naman 'yun. Sige na umalis ka na." pagtataboy ni mama at sumakay na ko ng tricycle. "Mag-iingat ka." narinig ko pang pagbibilin ni mama at nginitian ko na lang siya.
Nasa school na ko ng masalubong ko si Allyson na parang may hinihintay sa gate. Nilapitan ko ang kumang na medyo nakangisi. "Sinong inaantay mo?!" pagtatanong ko sa kaniya at nagulat naman. "Mm?" pagtatanong ko ulit dito dahil nakatitig siya sa akin na parang multo ang tumawag sa kaniya.
"Ahahahahahah!!!" nagulat ako sa malakas na pagtawa ng kumang. Anyare dito?! "Masaya ba ang date niyo kahapon?" pagtatanong nito kaya nakunot ang noo ko.
"Anong date? Kanino?!" pagtataka ko. Inisip ko ng mabuti kung anong date tinutukoy nito? Stalker ko ba siya? In fairness kay Allyson ngayon ah, maganda ang ayos. Ayos tao at hindi demonyo. May pinaghahandaan. Hihi. Author, aamin na ba akong crush ko siya? No 'wag! Ayyyy 'yung nunal niya sa leeg hinahatak ako sa puso niya hihi. Ang lanjoot!
"Ahihi. Nukaba. Mukhang nakalimot ka dahil sa saya ah." paghagikgik nito. "Exciting ba?" dagdag ngiti pa niya. 'Yung ngiting malanjoot. Nag lip bite kasi siya tapos tumingin ng malaswa sa 'kin. Iiihh!! Kaka-turn off tuloy siya. Ang lanjoot talaga ng lalaking 'to! Napaiwas nalang ako ng tingin sa kaniya dahil ramdam ko na nag init ang mukha ko. May nangyari kaya sa 'min kahapon ng 'di ko nalalaman? Sheet!
"Hihi. Namumula ka Kim. 'Wag mo na munang isipin 'yun. Maaalala mo din. At hinding-hindi mo makakalimutan. Kung sakali man. Ipapaalala ko sa 'yo." ngisi na naman niya ng malanjoot kay mas lalong nag init ang mukha ko. Bwisheet, na-hypnotize niya ba ako kahapon? Nakakahiya. Ang pula-pula na ng mukha ko. Ta's si Allyson ngiti ng ngiti. 'Di ko na kaya 'to!
BINABASA MO ANG
Eversince I Love You
Teen FictionDo you need to count how long have you been inlove? Or when did you move on so you can finally say that your heart is no longer inlove? Do eversince exist? Or we just only hope that we made things first done before the run began? I love you eversin...