-Kim-
Bakit kaya hindi nalang nagpakamatay si Russell bago pa siya ipinanganak? Bakit hinayaan niya pang masilayan ang kagandahan ng mundo at kagandahan ko? Chot! Haaayyy, sensiya na ahh, kumukulo pa rin ang apdo ko sa lalaking koreaboo na 'to! Kung ano ang iniliit ng mata niya, siya namang ikinaliit times two ng utak niya. Haayy tama na nga 'yan! Ke'sa ma-stress ako sa kumang na 'to mag iisip na lang ako ng plano kung paano siya maitatapon palayo sa paningin namin ni Arlo. Nauubos na ang time ohh. Kelangan na naming mag date-este mag friendly date ni Arlo bago lumubog ang araw dahil baka pag 'di namin na-abutan ang deadline, dead na rin ang pagmamahalan namin-Chot! Siyempre hindi mangyayari 'yan ahihi.
"Mukhang puno ang halos lahat ng kainan ngayon." pagsasalita ng kumang. Actually kanina pa pala, mag isa niya lang nagsasalita dahil wala naman kaming balak ni Arlo na kausapin siya. Baka sakaling pag na feel niyang nag iisa siya at na o-out of place eh mag bago ang isip niya at iwan kami ni Arlo. O 'di ba? Makakapag-solo na kami ni Arlo no'n. What a bright eyeballs Kim. The best ka talaga, maganda na, talino pa, with a heart pa plus apdo sa gilid.
"Bumaba nalang tayo ulit, baka kinalimutan na tayong i-text ni Allyson sa sobrang siba niya sa pagkain." pag harap ni Russell sa 'min. Napansin niya atang latang-lata ang apdo-este ang mga mukha namin ni Arlo kaya medyo nakunot ang noo niya sa nasaksihan niya. Kiber, maging sensitive naman siya at lumayas na para magka oras kami ni Arlo sa isa't-isa. "Anong nangyari sa inyo?" walang kamuwang-muwang niyang tanong. Juzmee naman ohh Russell! Napaka-insensitive kaya hindi umuunlad sa buhay ehh. Ba't ganiyan ka? Kita mo bang hindi na kami makangiti ni Arlo nang dahil sa 'yo? Please magkaroon ka naman ng kahit katiting na pakiramdam at maawa sa 'min.
"Ehh kung ganito nalang, ikaw ang bumaba para tignan sila Allyson ta's kami dito ni Arlo ay maiiwan dahil pagod na pagod na kami sa kakalakad. Ikaw mukhang may energy ka pa oh, kaming dalawa, huhu, hindi na talaga namin kayang babain pa ang ground floor. Kaya aantayin ka nalang namin dito." pag subok ko ulit na palayasin si Russell. Sana naman magkaroon na siya ng pakiramdam this time. Maawa ka please?
"Sige, mukhang kanina niyo pa talaga gustong mag solo ehh." biglang nabuhayan ang apdo ko at feeling ko namunga siya ng bonggang-bongga. Omo, may baby apdo na 'ko hihi. Nakita ko rin na nangiti na rin si Arlo at mukhang nabuhayan na din ang apdo niya. "Pero kakain muna tayo total, sabi mo naman na gutom na kayo. Tara, kakaunti ang tao sa restaurant banda do'n." pag basag niya sa kasiyahan ng aking apdo kaya naman feel ko nabaog ang apdo ko sa loob at nalanta ulit. Kainis, wala nang pag asa sa lalaking 'to.
"Hanggang kailan ba tayo magtitiis." napairap si Arlo sa kawalan at umagos na din palayo ang kasiyahan niya kanina. Naawa tuloy ako sa kaniya. Iihh kainis ka naman Russell ehh!! Tignan mo ginawa mo sa ama ng mga baby apdo ko. Gggrrrrr!!! "Ehh kung komprontahin na natin siya??" naupo si Arlo sa bench at sumandal. Naupo nalang din ako sa tabi niya at inisip ang suhestiyon niya sa 'kin.
"Alam mo namang iba ang iisipin nila kapag sinabi natin 'yun. Kahit na mali naman na 'yung mga iisipin nila, 'di ko ata kayang ma-involve sa scandal na walang katotohanan... ulit." malungkot kong sambit at naalala ko na naman ang mga nangyari noon. Akala ko tuluyan na akong nakalimot at naka-move on pero hindi pa rin pala. Masakit pa rin sa loob-loob ko sa tuwing maaalala ko ang masamang bangungot na 'yun sa buhay ko. Alam ko, alam kong dapat matagal ko nang kinalimutan 'yun dahil naman na tapos na 'yun at wala na silang koneksiyon sa buhay ko ngayon. Pero natatakot parin ako na parang kahit kailan ay may chance ulit na maulit ang pangyayaring 'yun. Kaya naman natatakot ako na sumama kay Arlo na kaming dalawa lang. Pero kiber, push na. Subukan lang ulit ng dalawang 'yun na magpakita sa istoryang ito. Pati ikaw author at 'yang apdo mo idadamay ko sa oras na ibalik mo sila sa istorya ko. Makikita mo, itatali ko ang apdo mo do'n sa dalawa at sabay-sabay kong pasasabugin.
BINABASA MO ANG
Eversince I Love You
Fiksi RemajaDo you need to count how long have you been inlove? Or when did you move on so you can finally say that your heart is no longer inlove? Do eversince exist? Or we just only hope that we made things first done before the run began? I love you eversin...