Chapter 6:Memories Start And Will End Soon With The Sweetest Goodbye

37 7 0
                                    

-Kim-










Hi 10 million followers! Eto kagigising lang ng baliw na babae pero magandang WALANG KATULAD mula sa pagtulog to panaginip hanggang paggising hanggang sa ilalim ng tirik na araw. Pasensya na ah. Bente-kwatro oras kasi talaga ang serbisyo ng kagandahan ko eh. Sorry sa mga naiinggit-chots.






















Haaaayyy ang sakit ng ulo ko, parang mainit pa ako ah. Si Arlo kasi ih, dahil sa nangyari kagabi ayan tuloy. Wait, may nangyari kagabi?


















"Aaahhhh! Oh my gosh, my perlas!" pagsigaw ko at mabilis na napabangon na agad ko naman ding ikinahilo. "Aray ang sakit ng ulo kooo!!! Malapit na naman kasi ang pasukan. Alam na alam talaga ng katawan ko kung may padating na stress. May advance reaction. Teka, naalala ko may kulang pa pala akong bilhin na gamit. Haaayyysss 2 days na lang stress na naman. Hindi sa pag-aaral ah. Easy lang 'yun eh. 'Yung mga bayarin talaga ang nakaka-stress actually. Isama mo na si Maximanggoloid." pakikipag-usap ko sa sarili ko habang pakamot-kamot pa ng ulo.














Habang nag uunat-unat ako, bigla ko na lang naisipan bisitahin ang haponess sa kabilang kwarto. It's been two months after niyang umuwi dito, bilis 'di ba? Ganya'n talaga kapag kuwento. Alangan naman i-narrate pa namin kung paanong nabuo ang itlog kung hindi nauna ang manok. Nakakaloka 'yun okay?















Mabilis akong nagpunta sa kwarto niya at nakabukas na ng bahagya ang pintuan nito. Nang dahan-dahan ko pa 'tong binuksan, nakita kong wala na si Arlo doon. Wow. Himala. Ang aga ata niyang nagising? O baka talagang mas mahaba lang ang tulog ko? Isa pang himala, malinis ang kwarto. HAHAHAHA!! Ano namang nakain ng isang 'to aber?
















Nanigas na ako sa kinatatayuan ko do'n habang pangiti-ngiting may inaalalang bagay. Half a month kasi kaming magkaaway no'n kaya bigla ko tuloy naalala 'yung baniyo scene namin. Hihi, ang lanjoot naman! Pangalawang kabaliwan kasi namin 'yun and pinaka-worst na din.

















'Yung una naming pagkikita sa kwarto eh HAHA! Lakas ng tawa ko du'n, bwisheet! At malakas din ang tama ko no'n. Kakatapos ko lang kasing rumak. Tapos another half a month ng pakikipagkilala sa isa't-isa. Grabe 'yung nahuli niya akong ini-stalk ko siya, sobrang nakakahiya. Nag-feeling pogi tuloy ang kumang.












Tapos 'yung uma-umaga naming agawan sa pagkaing niluluto niya, HAHA! Sarap alalahanin. And ang pinaka 'di ko makakalimutan sa two months namin ay 'yung naglalaro kami ng tago-taguan kaming tatlo nila Nicole.

















Hahahahaha, 'yung nagtago ako sa kabinet tapos si Nicole ang taya pero nagulat ako kasi du'n din pala sa kabinet nagtatago si Arlo, HAHA! Ang awkward ng moment na 'yun kasi nandoon kaming dalawa tapos biglang may kumaluskos sa loob ng kabinet at akala ko ipis kaya napayakap ako sa kaniya.


















Ang nakakagulat, pati siya ay napayakap sa akin. O 'di ba, takot din sa ipis. Hahahahaha. Tapos ang daming iba't-iba pang memories sa loob ng two months, haayyy ang saya, sana magtagal pa.

















"Teka ba't ba 'ko nag-iisip ng ganito na parang matatapos na ang istorya namin? Haha? Nagsisimula pa lang naman kami ahh. Psshh. Makababa na nga lang at inisin si hapon..." binawi ko na ang pagngiti-ngiti ko at pinunasan ang 'di ko napansing laway na um-exit ng bunganga ko. Grabeng umeksena ah.


















Eversince I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon