-Kim-
Umpisahan na!
Tangenes 'tong lalaking 'to. Ang kapal-kapal naman ng mukha niya. At ako pa ngayon talaga ang kailangang sumuyo sa kaniya? Tsk. Kakapal ng lolo mo. Bwisheet ka po Russell Park.
"Hoy!" pag sipa ko sa inuupuan ni Russell. Syempre napansin niya ko agad. Sa lakas ba naman ng pagkakasipa ko. Plano ko sana sa mukha niya ideretso 'yung sipa ko eh. Kaso, nagbago isip ko baka marumihan pa sapatos ko kung sakali. Bago pa naman detergent gamit ko. Ngumisi siya sa 'kin at tinignan ako ng tuwid sa mga mata. Mukhang alam na niya na may kailangan ako sa kaniya. Aba'y ang kapal talaga ng lalaking ito. How to be Wiki Face po?
"Anong kailangan mo?" malamig nitong pagtatanong at hindi pa rin pumapalya sa pagtitig sa akin ng tuwid kaya medyo nailang ako at napaiwas ng tingin.
"Ahmm.. mmm.." nangangapa kong pagsasalita, eh paano ko naman kasi sasabihin sa lalaking 'to na 'bumalik ka na' - 'please?' Waaaaa!!! Nasusuka ako. Iiw. "Wala!!" pag ismid ko sa kaniya at naglakad na palayo.
"Tss" narinig kong ismid niya. Oo na! Siya na panalo. Pero this time palang. Antay-antay lang siya. Reresbak din ako shutanene niya.
"So ready na ba kayo sa reporting natin bukas?" pagtatanong ng teacher namin ng makabalik na ko sa upuan ko. Salamat naman. Nasa right timing ang pag upo ko. Pero teka? Si teacher Shorena na naman? Wala na ba kaming ibang teacher sa school na 'to? Dami nang exposure nito sa kwento ko ah. Nga pala, pangit 'yung teacher naming 'to sa personal. So 'yung sinabi ko dati na magaganda lang ang masa istoryang ito, joke lang. Ako nga hindi eh. Joke 'yan.
Napatingin ako kina Hera at Allyson na wala ng ibang ginawa kun'di ang maglanjootan. Kung pwede nga lang magparami dito mismo ay nako, naging motel na 'tong eskwelahan namin mismo. Ang lalanjoot to the 69th floor.
Pinaswitan ko sila para tawagin ang kanilang atensiyon. Tinignan nila ako. Sumenyas ako na makinig sa sinasabi ng teacher namin pero mukhang nababad na sa kalanjootan ang mga utak nila. Ayun, 'di ako pinansin. Sunod kong tinignan si Laura para senyasan din pero nagkibit-balikat naman ito. O 'di ba? Mga patapon ang mga kagrupo ko. Mabuti nalang pala napunta ako sa kanila kung hindi wala silang pag asang makapagtapos ng pag aaral. Hehe. Chot lang syempre. Matalino kaya si Hera. Kaya nga lang, nalunod na sa kilig ang utak kaya ayan, distracted na. Pariwara.
I just sigh, taray english haha. Pwede namang sinipon ako nalang. Chot. Napabuntong hininga nalang ako. Haaayyy nako, kung pwede lang mag individual ang groupings, ginawa ko na eh. Sabi nila 'Two is better than one' eh kung wala namang silbi sa buhay ang makakatulong mo mas mabuti pang ikaw nalang mag isa. Nakakainis. Walang ibang maipuputok ang butchi ko kung hindi ang salitang 'inis' nakakaputok ng neurons. Susuko nalang ata ako eh.
Author naman kasi eh, pwede bang i-fast forward mo na ang kwento ng life ko du'n sa 27 years old na Kim? Ka-boring...
BINABASA MO ANG
Eversince I Love You
Teen FictionDo you need to count how long have you been inlove? Or when did you move on so you can finally say that your heart is no longer inlove? Do eversince exist? Or we just only hope that we made things first done before the run began? I love you eversin...