-Kim-
Ikinuwento sa akin ni Mama ang pinagusapan nila ng principal. At naiintindihan ko siya kung bakit gumawa na siya ng mga desisiyon ng hindi man lang ako kinokonsulta. Well, Wala na rin naman akong pake pa sa mga awards na makukuha ko (sana), sa scholarship (sana), sa matataas na grades (sana) at sa magandang records (sana). Ang gusto ko na lang ay maka-graduate ng mabilisan at makaalis na aga-agad sa shutragis na eskuwelahang ito.
Ayokong may madamay pa na kahit sino. Ayokong madamay sila Bea at Sandra. Ayoko ding madamay pa si mama o si kuya dahil sa pagbabanta sa kaniya ng principal. Ayokong madamay pa ang magiging future ko sa nangyayari ngayon sa present ko. Subukan lang nila. Iihawin ko silang mag-ina sa iisang uling.
Sinabi ng principal kay mama, tatanggalin daw ako sa pagka-candidate bilang valedictorian at si Ian na ang papalit sa akin.
Wala namang kaso sa akin. Sa kaniya na ah, isaksak pa niya sa taba ni Max. Pero ang pinagtataka ko lang, kahit sa salututorian ay hindi man lang ako inilagay ng principal na sana ay konsensiya niya nalang sa mga kalokohang ginagawa nila sa akin dahil ang nandodoon sa pwesto na 'yon, ay ang anak niyang lamang dagat. Aba! Mas makapapayag pa ata ako kung isang barumbadong laging absent ang makakuha ng spot eh. Pero isang sea creature? Nakakakulo ng apdo. Bwisets!
Nagtataka talaga ako kung bakit-paanong nailagay ang babaeng seaweeds na 'yun bilang pangalawa. Ehem! PANGALAWA sa mga MATATALINONG estudyante sa eskuwelahang ito. Weh? Talaga ba?
Samantalang 'di hamak na mas may isip pa sa kaniya ang nasa last sa ranking ke'sa sa kaniya. Hindi na kinuwestiyon ni mama ang first honor na pinaglagyan ko. Pero alam ko katulad ko, hindi niya rin matanggap dahil 'di naman talaga 'to katanggap-tanggap.
Kaya lang, wala na rin siyang mapagpipilian. Dahil kung hindi pa daw kami pumayag sa ganoong parusa sa kasalanang hindi naman nila napatunayan ay dudumihan lang nila ang records ko at baka maging repeater pa daw ako ngayong taon dahil daw sa pagiging immoral ko. 'Kuno'.
Alam ko at ni mama't kuya, at nila Bea pati ni Sandra na walang katotohanan ang mga pinagsasabi ng mga taong nakapaligid sa amin ngayon. Malinis ang pagkatao ko at alam kong ako ang nagsasabi ng totoo. Alam na alam 'yon ng Diyos.
Walang hiya lang talaga 'yang si Max at Ian. Pinasalamatan ko na lang ang nangyari sa akin dahil mabuti na lang at walang nadamay sa mga mahal ko dahil sa akin. Kahit na-stress ko sila. Salamat na rin kila Max at Ian. Dahil sa kanila, memorable na ang elementary days ko. Mga shutragis lang talaga sila. Hubas. Hirap lang nitong kalimutan. Ngayon 'pag may nagbanggit na ng word na 'lamang-dagat', silang dalawa na ang maaalala ko. Ang aalat ng ugali eh.
Naghahanda na kami ni mama na pumunta sa graduation ceremony. Wala akong ganang kumilos dahil alam kong walang kwenta ang ceremony na 'yun lalo na kay Max na hahakutin ang mga medalya at mga papuring hindi kailanman niya deserve.
"Anak bilisin mo na diya'n tapos na ang kuya mo oh!" paalala sa akin ni mama.
"Opo" matamlay kong pagsagot.
BINABASA MO ANG
Eversince I Love You
Teen FictionDo you need to count how long have you been inlove? Or when did you move on so you can finally say that your heart is no longer inlove? Do eversince exist? Or we just only hope that we made things first done before the run began? I love you eversin...