-Kim-
"O 'di ba ang sakit? Ano gusto mo saktan pa kita ng bonggang-bongga pa? As in 'yung hindi mo na masisilayan ang kinabukasan. More likely, isang bangkay sa pangit at malamig na kabaong. Ano gusto mo ba? Total papakamatay ka na din naman, tutulungan na kita. Hindi naman ako isang madamot na tao eh. Alam mo 'yan. Kaya sabihin mo lang kung gusto mo nang mahimlay sa katahimikan. I'm always free and available. Anytime basta sa ikamamatay mo." mahabang litanya ni Sandra sa 'kin habang nakapameywang tapos pinaliliguan ako ng laway niya dahil wala naman akong ibang magawa kun'di rumatay lang ngayon sa papag ko.
Ang aga-aga naman. Ano bang ipinuputak ng nguso ne'to? Mas advance pa 'to sa alarm ko kung manggising ah. Anyway. Wala naman akong pake sa kaniya kahit pa na lumuwag na lalamunan niya kakahatak sa kaniyang dila. Siya rin naman kawawa. Basta ako, tulala na naman ulit at talagang iniisip ko ng mabuti 'yung narinig ko kagabi eh. Kalanjootan 'yun eh. Sure ako. Eh?
*mabilisang flashback*
"It's so much fun having you this night Kim. Thank You and Goodnight and I love you."
"And I love you."-echo number 1.
"I love you."-echo number 2.
"And I love you."-echo number 3.
"I love you."-echo number 4.
"I love you."-echo number 5.
"And I love you."-echo number 6.
*end ng mabilis na flashback with echoes. Ay? Taylor Swift? Re-e-e-ed. Re-e-e-ed?*
"Hayy nako po!!" pagbalikwas ko sa pagkakahiga dahil sa paulit-ulit na pag-ring ng boses ni Arlo sa mga tulili ko sa tenga. Parang horror na pelikula ah. In radio waves nga lang dahil boses lang 'yon.
"Oh? Akala ko ba masakit ang katawan mo? Ba't ang bilis mo atang napabangon?" pagtatanong ni Sandra habang pinipilipit ang leeg ko-este bimpo pamunas.
"Ay masakit ba katawan ko? Sorry nakalimutan ko. Take 2 direk ah." pamimilosopo ko at bumalik sa pagkakahiga sa papag. "Okay game."
###
"Tapusin mo lahat 'yan, bawat sulok. 'Wag kang lalampas ng sahig. Pag nahuli kitang nanlampas, dila mo ang gagamitin mong mop sa buong taon." pagmamaldita ni Boss J sa 'kin kahit todo kudkud na ako ng mop ko sa sahig.
'Di ata marunong makaappreciate ng effort ang matandang 'to eh-chots hehe.
"Opo. Opo. Opo." sagot ko habang nakatingin lang sa sahig na minamop ko. Todo yuko pa ang ginagawa ko para hindi lang masilayan ang mukha ni Boss J.
"Ulit-ulit?" pagtataka niya kaya napaangat ako ng ulo. With hampas sa ere ng buhok effect pa.
"Kayo din naman po ah. Kanina niyo pa po ako tinatalakan. Paulit-ulit po. Para tumatak po sa utak ko. Ayan, ulit-ulit din po. Para po tumatak din sa utak niyo. Po." magalang kong pamimilosopo kaya magalang din akong binatukan ni Boss J na naging dahilan ng pagkalat ng utak ko sa sahig. Patay. Dagdag na naman sa lilinisin. Kainis naman kasi 'tong matandang 'to eh!
BINABASA MO ANG
Eversince I Love You
Fiksi RemajaDo you need to count how long have you been inlove? Or when did you move on so you can finally say that your heart is no longer inlove? Do eversince exist? Or we just only hope that we made things first done before the run began? I love you eversin...