-Kim-
"Kung hindi ka uuwing late babae ka, uuwi ka ng lunod sa kakaiyak, o 'di kaya kunod sa kakatawa. So ano ka ba talaga ha?! Akala mo ba pinalagpas ko na 'yung ginawang mong kababoyan na matulog sa loob ng cr at maging cause of delay lahat ng mga may pasok? At 'yung presensiya mo doon na naging cause of death ng isa kong mangungupa, ayo'n, agaw buhay ngayon at andoon sa ospital nakaratay. Akala mo ikaw magbabayad no'n?! Syempre hindi!! Bakit ngumingiti-ngiti ka diya'n?!! Masaya ka ba na napag-away mo ang mag jowa--"
"Ex-mag jowa" singit ko.
"Kung ano pa man sila. Ang lakas ng loob mong bumalik dito na pangiti-ngiti pa? Ehh kung ipa-chombag kita sa mga tambay diya'n sa labas? O sa mga kapwa mo nangungupahan na puros gasgas at basag ng ulo din ang inabot?!! Mamili ka?!!"
"Fyi, Rodora ahh. Unang-una, hindi ako nakangiti dahil masaya akong may nangyaring ganito sa apartmenr niyo. Kung masunog ang apartment niyo o lamunin ng sink hole, doon pa lang ako liligaya talaga. Pangalawa, walang mamamatay sa istorya kong ito dahil R-3 ito. Kahit nga 'yang sanggol mo sa tiya'n pwedeng masubaybayan ang kuwento ko ehh, kaso 'di ka na magkaka-baby kasi baog ka ng pala. Pangatlo naman, kung naki-join ang mga tao kahapon sa away ng mag ex-jowackels, aba'h it's none of my business, and it's none of your business also. This apartment is your only business na ipinapakulam ko, nang malugi na't isarado mo. Kung nakipag-away sila, choice po nila 'yun. Ang importante, masaya sila kahit nasasaktan na. Tama po ba?" pag kabog ko sa Night speech niya. Akala ba niya 'di ko siya mabe-beat? I'm the champion ata 'pag dating sa talakan.
"Kahit na, ang punto dito--" naputulan niyang pag sasalita ng isara ko ang pinto.
"Goodnight na Rodora. Itulog mo na lang 'yan. Bukas ng umaga, magising ka kung gusto mo pero prefer ko 'wag na. And then kung piliin mong magising, mag walis ka ng maaga sa harap ng bronze mong gate para pag aalis na ako, maganda ang view habang slow-mo akong naglalakad." sigaw ko mula sa loob ng kwarto ko.
"Gaga kahit gaano kaganda ang view, kung pangit ka, pangit ka talaga. 'Wag mo ng idamay ang ganda ng view o ng iba, tse!!" pag kainis naman niya. Ay pikon? Jok-jok lang naman ehh. Kailangan niya pa talagang idamay ang mukha ko?
"Ode wow!" sigaw ko na lang na hindi na siguro niya narinig.
"So?" pag kibit balikat ni Sandra. Napatingin naman ako sa kanila habang ngumunguya.
"Oo nga. So?" pag gaya ni Bea kaya nalipat ang tingin ko sa kaniya.
"Anong "So?" kayo diya'n? Can't you see what's my point?" pag lahad ko ng palad ko both sides.
"So what is it?" pag arko ng kilay ni Sandra na senyales na wala siyang na-gets sa haba ng ikinuwento ko.
"Oo nga. So what's it is? Ay mali ata. Ano nga ulit 'yun Sandra?"
"Shut up!!" duet naming sigaw ni Sandra sa kaniya.
"Ahh okay. So what shut up?" umarko din ang kilay ni Bea parang 'yung ginawa ni Sandra.
"Sure ka ba na si Bea 'yan ng nakaraan? Hindi kaya maling kamay ang nahawakan at nahila mo nu'ng papunta ka dito sa Manila? Baka kung kaninong anak 'yan sa baryo ahh." bulong ko kay Sandra.
"I'm not sure pero, kamukha naman ni Bea ehh. How about calling her parents for confirmation?" bulong din ni Sandra.
"Oo. Gawin na natin 'yun para makasiguro tayo na ligtas tayong kasama ang babaeng ito. Malay natin galing sa ibang istorya 'yan na may psychopath twist something." pag sang-ayon ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Eversince I Love You
Teen FictionDo you need to count how long have you been inlove? Or when did you move on so you can finally say that your heart is no longer inlove? Do eversince exist? Or we just only hope that we made things first done before the run began? I love you eversin...