-Kim-
At doon natapos ang lahat ng pinaghirapan ko. Lahat ng panahon, effort at lakas na ginugol ko para lang makapagtapos ako ng pag aaral ng matiwasay at may malaking parangal, wala na. Nabasura ng minsanan. Hindi ko tuloy alam ngayon kung ano nang mangyayari sa akin. Sa future ko. Sana.
Dinala ako nila Sandra at Bea sa aming tent, sinamahan nila ako doon hanggang sa matapos ang oras ng dagok sa buhay kong ito. Iniisip ko na rin ang mga posibilidad na kahahantungan ko sa mga susunod pang araw. Sigurado ako, 'di ako tatantanan niyang si Max. Bakit? Inggitera pa'no. InsecureD.
'Di ako lumabas ng tent hanggang sa makauwi kami. Hindi kami nakasakay sa mga service ng school dahil sa pinagkakaguluhan nila ako kaya naman nag desisiyon nalang ang faculty na ihiwalay ako ng sasakyan kasama sina Bea, Sandra at si Kuya Jake.
Pagkatapos ng araw na 'yon, lakas-loob pa rin akong pumasok kahit pinigilan na ako nina Bea at Sandra, pati na si mama at kuya dahil alam ko sa sarili ko na wala akong ginagawang mali at malinis ang pagkatao ko. Wala akong dapat ikahiya at ikatakot. Kaya bahala sila kung anong isipin nila. Utak naman nila 'yon.
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa eskwelahan ay sinalubong na ako agad ng mga mapamintas na tingin at mga nagtatalasang mga dila.
Alam kong wala akong ginawang masama pero 'di ko pa rin napigilang matakot at kabahan ng sobra. Si Max meron at dahil doon, dahil sa kanila ni Ian, nasira ang reputasiyon ko. Ang mapayapa ko na sanang pamumuhay. Less than 1 year na nga lang ako dito 'di pa nila ako pinalampas. Sana man lang nakipag-cooperate nalang sila 'noh? Haters talaga.
"Ano ba 'yan valedictorian pa naman pero ganiya'n ang inaasta."
"Matalino ba talaga 'yan? Parang hindi naman nag iisip ah."
"May utak nga, kulang naman sa disiplina."
"'Di na nahiya, napakabata niya pa naman."
"Ano ba 'yan hindi siya magandang halimbawa ahh. Iniidolo ko pa naman sana siya."
"'Di niya deserve ang place niya, dapat siyang ibagsak para maparusahan."
"Santa-santita sa labas pero ang totoo, nasa loob ang kalandian."
Mga maaanghang na salitang naririnig ko sa bawat mga taong madaanan ko. Aba! Gusto ata nilang silang lahat nalang maging valedictorian ah. Ta's mag take sila ng law sa college. Total ang gagaling naman mang-judge.
Lahat sila ay umiiwas at nagsisilayuan. Lahat ng mga gano'ng bagay ay parang sabay-sabay na tumusok sa aking binti at nakapagpahina sa aking tuhod.
Gusto kong umiyak, magalit, labanan sila pero hindi ko magawa dahil sa dami nila. Baka ma-chugi lang ang beauty ko.
BINABASA MO ANG
Eversince I Love You
Roman pour AdolescentsDo you need to count how long have you been inlove? Or when did you move on so you can finally say that your heart is no longer inlove? Do eversince exist? Or we just only hope that we made things first done before the run began? I love you eversin...