Chapter 40:Split And Run

10 1 0
                                    

-Kim-



"GUYS!!!" pag sigaw ni Bea at sabay na bumukas ng malakas ang pinto.










Napalingon kaming lahat doon at dahil sa liwanag ng ilaw na nanggagaling sa labas, sinunog nu'n ang aming mga balat hanggang sa abohin kami-o syempre chot lang. Wala namang halong fantasy ang istoryang ito ehh. Hindi namin kaagad naaninag ang mukha ng taong nakatayo ngayon doon dahil nga sa liwanag ng buhay mula sa kalangitan. Tanging ang hubog lang ng kaniyang katawang hugis pakwan na overripe na, oversize pa.










"Bisita mo ba 'to Bea?" pabulong kong tanong at bahagya iginilid ang ulo ko dahil nasa likuran ko ang bobita.













"Ahh, hindi ah. Wala kaya akong kamag-anak sa ilalim ng dagat. Pero, teka, Familiar siya. Alam niyo 'yung mangkukulam na pusit doon sa Little Mermaid 'diba... blah... blah..." tuloy-tuloy na pagkuda ni Bea nang matanaw na namin ang mukha niya dahil sa unti-unti niyang pag-hakba papaloob. "Akala ko nu'ng una butanding 'yun ehh kasi sa laki ba naman ng katawan niya. Mabuti na lang nakita ko agad na may walong galamay siya kun'di, aakalain ko talagang.... blah... blah... blahh" pag tapik ko kay Bea na tumigil na siya sa pag-kuda niya dahil mukhang hindi bet ni Rodora na may ibang nanlalait sa kaniya maliban sa mga mangungupahan niya.













"ANO BA?!! SSHHHH!!!" pagtakip ko na lang ng bunganga ni Bea dahil ayaw tumigil ehh. Tapos no'n, agad kong ibinalik ang tingin ko kay Rodora the Pugita daw.













"Hello po." magalang na pag bati ni Sandra pero nadinig ko ang pag-garalgal ng boses niya. "Haha. Sino nga siya ulit Kim?" pag baling niya ng mga mata sa akin na kita ko namang pilit lang ang pag buka dahil sa takot na kumurap at magkaroon na naman ng panibagong pasa.














"Hahahaha." peke ko ring pag tawa. "Siya 'yung may ari nitong apartment na inuupahan ko. 'Yung magandang owner na ubod ng sipag na laging kinukuwento sa 'yo? Remember??" pag sensiyas ko kay Sandra na sumakay sa sinasabi ko. Mukhang na gets naman niya so, safe. "Ehehehehe." peke naming pag tawa.
















"'Di mo siya nabanggit sa akin Kim, ha. 'Yung isa lang na sinasabi mong may ari ng bronze na gate at laging nagwawalis sa harap ng daan tuwing umaga tapos 'yung ihahatid ka sa kwarto mo gabi-gabi habang tinatalakan ka at sabi mo pa kinaiinisan mo siya talaga ng sobra." mabilis na pagpapakawala ni Bea ng mga salita kaya medyo na huli akong takpan ulit ang bibig niya. Paano bang nakawala ito sa pagkakatakip ko kanina?!! Bwisit!! Kahit kailan Bea!!














Mabilis kong ibinaling muli ang tingin ko kay Rodora at may sumalubong na lang sa mukha ko na isang mabigat at maalikabok na maleta. Parang familiar ang kulay no'n ahh?
















###















"Ugh!! Dahan-dahan naman!!! Ilipat ko sa 'yo 'to eh!" pag daing ko ng sakit kay Bea dahil sa hapdi ng panibagong pasa na ibinigay ni Rodora the bugbugera. Mukha tuloy akong nangongolekta ng mga pasa para gawing accesories sa katawan ko. Ayy, bagong style teh? Pauso ka den ehh.


















*chiclick:chiclick:chichick:chiclick* -sounds ulit 'yan ng camera ni Sandra, pinalitan niya lang.



















"Halika na dito, Kim!" pag tawag niya at 'saka ko nilayasan si Bea sabay iniwanan ng masamang pagtitig-de jok lang labyu ka-bobita.




















Eversince I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon