Chapter 16:Dealing With The Demon

9 6 0
                                    

-Kim-






Biruin mo 'yon, 'wag ako. Masaya naman palang pumasok sa section na napuntahan ko. Isipin mo kahit papaano, may Allyson na nagdadala ng delubyo sa kababaihan. Ito ang uri ng diyablong  sobrang kalanjootan ang taglay ng katawan.











Syempre dahil mababae ang kumang na demoniyong 'to, may mga alipiin na pampalipas din siya at patay na patay ang mga 'yun sa kaniya. May mga patay na patay din naman sa akin ah. Ay chot. Papatay pala. Mga inggitera pa'no.











Tapos meron pang mga nagpapangitan na diyablong naglalaway at gustong-gusto na 'kong lapain. Ganda ko lang kaya. Plus, mga demoniyo na nagbabalat-kayo bilang anghel.













Mga kamalasang nagkatawang tao at mga gurong hindi ka sasantuhin pag natripan ka na nila. *Ehem*












Dahil mukhang kumpleto na naman ang pack,  hindi pwedeng um-absent at lalong hindi magpapahuli ang Alpha nila. Lagi kayang andiya'n ang Hari ng Impyernong ito kahit na wala naman ng ibang ginawa kun'di matulog sa trono niya sa likod ng room.











I still don't know his name kasi naman napaka-isnabero at wala akong pake ah. Grabe. Ang kapal naman niya para i-stalk ko siya. Mayaman ba siya? Sikat? Presidente? Wala naman magiging ambag sa buhay ko 'to eh.














Ni hindi man siya magawang lapitan ng mga kababaihan. At lalong-lalo na ang galawin ng mga kalalakihan. Baka ikasunog pa nila.

















Napakasungit at napakayabang. Akala mo naman niyan may mahigit isang-daang liker sa status sa facebook. Feeling ah. Walang maglalakas loob na hamunin ito. Kaya naman, bagay na bagay talaga sa kaniya ang korona.















Siya na talaga. Ang Hari ng Impyerno na nagbabakasiyon ngayon dito sa mundo ng mga tao. Ubud pa ng katarayan ah. Dinaig pa akong babae. Babae nga ba ako? Ba't wala kasi ako nu'ng dalawang bilog sa harapan? Nasa baba ata. Nahiya. Chot.












Pwede na bang Assasination Class ang section ko? Ang kaso, ako lang mag isa ang killer tapos silang lahat ang target. At ang boss level ay ang hari nila.












But wait, I just remember sa ilang weeks kong kasama ang lalaking ito. His face looks very familiar.













Pero mukha ring hindi. Ano kaya? Baka sikat pala talaga 'to sa facebook ah. I-add na 'yan. Anyway, pare-pareho lang naman ang mukha ng mga lalaki eh. Mga mukhang bibihagin ka at lolokohin sa oras na makuha na ang kahinaan mo.













At ang talo, laging mga babae na umiiyak sa tabi. Habang ang mga lalaking hubas ay nagdidiwang sa kanilang pagwawagi. Haaayyy certified amazona na ako.














"Okay Class! Prepare for a Pre test. At ang gusto ko, naka-sitting arrangement kayo kaya magsitayo kayong lahat at ilagay ang mga bag niyo dito sa harapan." pag anunsiyo ng aming guro.













Ano 'to? Napakabilis naman ata ng Pre-Test. Agad-agad talaga? 'Di naman  sila excited noh? Ayaw kaya nilang by next week nalang? Chot. Matamlay kong binuhat ang bag ko papuntang harapan.












Eversince I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon