Chapter 23:First!

12 5 0
                                    

-Russell-







Bakit ba binigyan ako ng pov sa kuwentong 'to? Wala naman akong pake sa kung ano mang maging takbo o kahantungan nito eh. Ang habol ko lang naman ay mahanap ang lintik? na tula na 'yun at ang kalintik-lintik na taong bumulsa no'n. Patitikimin ko siya ng isan'dosenang sapak at baka masarapan siya. Bwiset sa kung sinong magnanakaw na nilalang ang nang hablot ng tula ko. Hahaluglugin ko ang kailalim ng impyerno mailibing ko lang siya ng buhay. Napakalikot ng kamay kung sino man siya. Ngayon mabalik na ako sa habol ko.












Florentino, Laura- 09:10 am

Delloire, Allyson- 09:20 am

Suarez, Maria Kris Hera- 09:25 am

Marcos, Mika Lou- 09:30 am

Park, Russell- 09:38 am

Dela Fuente, Kim Kylla- 09:42 am












Si Laura nasa computer station nu'ng mga oras na nasa loob ako pero hindi kami nag usap o nagpansinan. Pake ko ba kasi sa kaniya. Wala akong pake sa tao sa paligid ko. Ang tukmol na si Allyson ay nasa estante ng mga English books. Ganu'n din si Hera. Sa pagkakatanda ko naglalandian na sila bago pa ko pumasok ng library. Bumati pa nga ang love birds sa akin eh kaso, wala akong pake kaya napunta lang sa wala 'yung plastik nilang pag ngiti sa 'kin. Special talent ko ang manira ng mood ng tao. Napapangisi ako ng sobrang laki kapag nakikita ko ang mga mukha nilang nagta-transform sa inis. Ngayon ang sumunod ay ang sanggol ng impyerno. Nasa table na siya ng librarian noon at may hinihiram na mga libro. Nag-fill up din siya ng mga kung ano-anong papel doon at nu'ng pumunta na ako sa table ng librarian tumingin siya sa 'kin, 'yung mga mata niya parang mapungay na mata ng demoniyo, umalis na din naman siya agad at pumunta sa isang lamesa sa dulo ng library. Gaya-gaya ng ugali 'to ah. O siguro nahiya na siya sa ginawa kong pagbunyag ko sa kaniya. Tulad nga ng sabi ko, magaling akong manira ng mood. Pareho ng iba, wala din akong pake sa kaniya. Ngayon ang loudspeaker na si Kim ang huling pumasok bago ako lumabas. Hindi ko siya nakita sa library kaya hindi ko alam kung saang parte ng kuwartong 'yon siya nakapuwesto. Wala din akong pake sa kaniya. Uulitin ko lang.













Isa pa sa mga naaalala ko, wala na ang mga persons of interest ko ng bumalik ako para balikan ang tula na 'yun. Kung 'di lang kasi mahalaga 'yung kwintas na nandu'n wala din akong pake sa tula na 'yun eh. Walang cctv ang walang kuwenta naming library. Isama ko na ang matandang librarian na napakahina na ng pandinig, siguro dahil sa sobrang tahimik ng trabaho niya kasama ang mga libro, nabingi na rin. Isa pa, ambagal-bagal niya pang kumilos, kung ako lang sa principal, dapat ipinagpapahinga na niya ang mga taong ganito eh. Baka mamaya ginogoyo niya nalang ang matandang librarian na 'to at hindi ibinibigay ang sahod pagkatapos hinahayaan pa nilang mapagod. Kawawang lola, isang bulate nalang ang pipirma oh. Maging bulate na ba ako?










Habang iniisip ko kung sino ba ang posibleng nakakuha ng tula na 'yon, naglakad-lakad muna ako sa paligid ng library. Baka kasi sakaling bumalik ang salarin para isauli ang nakuha niya dito rin mismo ulit. Sa ilang minutong ginugugol ko sa pagmumuni dito dahil wala pa namang klase at may bakante kaming isang subject, napadaan ko si Kim na lutang sa sarili habang naglalakad. Nakatingin siya sa ibaba at nakangiti na akala mo binigyan ng 'sang dosenang kendi. Bakit ba mukhang lapis ang babaeng 'to? 'Yung Mongol ang brand. Alam niyo na point ko nu'n 'di ba?













"Ah?!" pagkagulat niya ng bungguin ko siya. Lalakasan ko sana at ng humandusay siya diya'n sa sahig kaso baka 'yung sahig ang humandusay. "Anong problema mo?!!" atungal nito.













Eversince I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon