Chapter 5:Our Story Begin

45 7 0
                                    

-Kim-

                








Haaaayyyyyyy sad agad, sagad-sagad, ang emo ko talaga ngayon. Pa'no ba naman kasi, andami ko ngang pera na bigay ni Nicole, pero 'di man lang niya ko sinamahan dito. Iiihhh wala man lang tuloy akong ka-kwentuhan tapos wala pa akong kasamang tao na magiging ka-share ko sa pag alala ng memory na 'to...








Eto ako ngayon, nag-iisa, naglalakad sa gitna ng mga couple. Brrr, stap it! Bakit ba nag silabasan ang mga nagmamahalan  ngayon? Feb 14 ba? O pare-pareho lang ang lahat ng monthsarry at anniversary nila? Talaga? Dapat ngayong araw 'yon? Ha?! Ang lalanjoot! O baka nananadiya lang..








Eto, eto may couple dito sa tabi ko sa sinehan na naglalambingan kaya 'di ako makanuod ng maayos. Ma-lechehan nga mga 'to.









"Ano ba 'yan teh at kyah, nanunuod na nga tayo ng love story lanjootan pa kayo. Baka gusto niyong kayo na lang ang gumanap d'un tutal ang sweet niyo ehh. Kaumay kayo ahh. Letsee!" pagpaparinig ko sa kanila na tumingin sa 'kin nang mainis pero tuloy lang sila sa lanjoot moment nila. At dinoble pa talaga nang mga malalanjoot. Ay nang-iinis lang? Gusto niyo atang mag-break ng maaga ah. Sabihin niyo lang.











"Iihh, kainis kayo ah! 'Di pa kayo naumay sa pinapanood natin? Nasayang tuloy pera ko sa wala. Sana pala 'di na lang love story pinanuod ko. Mga gaya-gayang couple 'yon, kairita sila ahh. Pagkakagatin sana ng langgam ang mga mmm at mmm ninyo at ng malaman niyong too much sweetness can hurt you." sabi ko sa sarili ko habang naglalakad-lakad sa mall.










Binuksan ko ang phone ko and it's already lunch time.. Kinapa ko ang bulsa ko pero...









"Shheeett shet sheeettt shet Bedsheet at Betshet! Ano ba 'yan Nicole! Nag pautang ka na nga lang 'di mo pa dinamihan! Aaaahh kainis na sine na 'yan nasayang pera ko!! Ngayon pati pamasahe wala ako.. Wooohh! Gutom na ako ehh! Sarap kumain ng mga malalanjoot na tao!" sabi ko ulit sa sarili ko kahit aware akong sobrang lakas nu'ng pagkakasabi ko nu'n. Bakit ba. Stress ako ehh. Tingi-tingin 'yong mga taong 'to. Bakit? Ngayon lang ba sila nakakita ng magandang nas-stress?










***
























-Arlo-


 

    








Tahimik ng bahay ahh. Ahh kaya naman pala, wala ang megaphone sa paligid. Well magandang timing 'to para mag-imbestiga sa kung ano ang laman ng kabinet dito sa kwarto ko. *tawang demonyo*










Dahan-dahan ko muna itong binuksan kasi andiy'an lang si Nicole sa baba. Mahirap na, ayokong kumalaban ng maskuladong dragon.











"Uuuyyy nice! walang lock hehe. Sabi na ehh, wala talaga sa sarili lagi 'yung babaeng 'yon." sabi ko sa sarili ko at mahinang tumawa na parang demonyo.












Pagkabukas ko, puro poster ng anime ang bumungad at--wait? Mga alien? Okay na sana 'yung mga anime ehh, pero, Mga alien? Sorry sa kanyang mahilig sa mga alien ahh, pero alien talaga tawag ko sa mga koreanong ito ehh.










Eversince I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon