-Kim-
Minsan sa buhay natin, nagmumukha tayong baliw na parang nawawala sa agos ng buhay. Pero kung buhay ko ang tatanungin niyo, hindi lang minsan nangyayari 'yan. Segu-segundo ata mukha akong timang. Para akong baliw na lumilipad ang isip at dumadapo sa kung saang sulok-sulok ng damuhan.
Ke'lan ba naging seryoso ang buhay ko? I even invented words like-Bobitang Shunga, Bobitameme, Chot, Chanot or Chotna, Kumang na Ajujut, Shutabells, Pudjackels, Malanjoot, or what so ever. Ang tanda ko na para sa mga bagay na ganiya'n and recalling it now-YUCK!
Saang angkan ba ng mga jejemon ako nagmula? Tanging si mama at papa lang naman ang kinilala kong magulang ah. O baka meron pa nga kayang iba? Bahala na si Batman sa history ko.
Totoo pala na nagbabago ang tao sa takbo ng panahon at natututong sumabay sa agos nito, pero kung hindi nito gugustuhin, mananatili siya sa kung ano at sino siya sa simula pa lang.
It's just a matter of choice just like what they say. At kung gagawa ako ng choice between "baguhin kung sino ako dati" o "manatili kung ano ako simula pa lang", I would like to choose na "manatili" the way I use to be. Pero, mas mag-iingat at kokontrolin ko na ang masasamang ugali na meron ako noon. Hindi lang makakabuti para sa akin, kun'di pati sa mga taong nakapaligid sa akin.
Mas hihigpitan ko pa ang basta-basta na lang pagpapakawala ng mabibigat na emosiyon. Basta, lahat gagawin ko mabawasan lang ang pagiging immature at troll ko-ng hindi binabago ang kung sino ako. Pwede pala 'yun noh?
Nakapagsimula na ako ng college kasabay ang kuya kong hindi naman gaanong 'kuya' pag dating sa akin. Mas matanda siya pero kumpara sa immaturity level namin, mas aangat siya. At take note, ako taga-bigay ng allowance niyan o pambayad pag short si mama. Ewan ko ba talaga, ampon ba kaming mag kapatid? Ehh si mama hindi naman ganiya'n ahh-paminsan minsan? Ata? Pag sinusumpong? Siguro nga anak niya kami. Walang duda, walang halong mahika.
Bilang napagkasunduan sa Yusunshang Enterprises, dahil kailangan kong mag trabaho sa kanila ng dalawang beses sa isang linggo, kinailangang malapit din ang tinitirhan ko. Imagine taga-Tarlac ako tapos 'yung Yusunshang chuchubells na 'yan nasa Manila. Ako pa ang kinailangang mag-adjust, dapat minove na lang nila dito sa Tarlac ang kastilyo nila total crowded na naman sa Manila. Kaya tuloy kinailangan ko na talagang mag apartment kahit labag sa batas ng buget ko. Malaki-laki naman ang monthly allowance ko, kaya hindi ko na ginagambala pa ang aking slight-immature Mama-Chot lang Ma! Hehe. Uy! Nag 'chot' ako! Oh no! A sign of immaturity!
Allowed ba 'yun? Oo sige allowed na, tutal naging parte na ng buhay ko ang mga salitang 'yan. Grabe, bumabalik ang immature soul ko. Kinakausap ko na din ang sarili ko!?! Kailangan ko lang mag stick sa Kim Version 2.0 kun'di, wala akong sasahurin kay Direk.
So... Saan na tayo? Ahh oo, tama. 'Yun nga dahil kailangan kong mag stay sa Manila , naiwan ang sobrang immature kong ''Kuya'' sa Tarlac para may makasama si Mama. Subukan lang niyang mag bulakbol at iwanan si mama na mag isa kahit isang gabi, cha-chaniin ko bawat hibla ng balahibo at anit niya.
Bukod pa sa paninilbihan ko sa Yusunshang Enterprises, araw-araw ng school days ko kapag tapos na ang klase ko, isa akong magandang diyosang dilag na taga-mop lang naman ng sahig gamit ang sarili kong mukha. Amazing noh? Bukod doon, kung may magpapa-tutor, push agad ako mapa-ano at sinong estudyante man 'yan. Sipag ko noh? Haayys, ang ganda ko na, ang sipag pa, ang talino pa. Why me is so gifted? Pero lahing jejemon pa rin. Sad :<
BINABASA MO ANG
Eversince I Love You
Teen FictionDo you need to count how long have you been inlove? Or when did you move on so you can finally say that your heart is no longer inlove? Do eversince exist? Or we just only hope that we made things first done before the run began? I love you eversin...