Chapter 41:His Only Side

19 1 0
                                    

-Arlo-

Tinignan ako ni Nicole ng masama. Nagkibit balikat na lang ako at dali-dali ding pumasok sa loob.

Kaka-akyat ko lang galing banyo sa baba ng mapasilip ako sa kwarto nila Nicole. Andoon si Kim, nanginginig na siya sa lamig. Nu'ng makita ko 'yung itsura niyang namumutla na siya at halos 'di na niya maibuka ang mga mata niya, sinimulan na akong kabahan. Gumapang na sa palibot ng katawan ko paakyat ng mukha ang kaba at takot, hindi dahil mapapagalitan ako kay Nicole, sa mama ni Kim, o kahit na kaninuman, kun'di natatakot ako sa katotohanang nasasaktan ko si Kim.

Hindi ko kinayang titigan siya ng matagal kaya dumeretso na ako sa kwarto ko at doon sa loob, nanlumo ang tuhod ko na naging dahilan para dumaloy ang luhang matagal-tagal ding hindi nakapag-lakbay sa mukha ko.

Naka pag-palit na ako ng damit ng pumasok ako sa kwarto nina Nicole.

Nakita ko doon si Kim na natutulog na sa sofa. Mahimbing ang pag tulog nito habang si Nicole ay naka-alalay sa tabi niya.

"Nakatulog na siya dito sa sobrang pagod. Arlo? Ang init niya baka lagnatin pa siya." pag aalala ni Nicole.

"Pasensiya na.." nasabi ko na lang at lumabas ulit ng pinto.

Muling nanlumo ang mga tuhod ko at sumandal ako sa pader na umalalay sa akin. Muli na namang nagpulasan ang mga luha kong matagal ko nang 'di nagagamit kaya siguro todo pagrerebelde ang ginagawa nila ngayon.

"Nasasaktan ka para sa kanya?" 'di ko man lang napansing pag sulpot ni Nicole habang nakapa-kross pa ang mga kamay niya at nakasandal sa kabilang side ng pader.

Mabilis ko namang pinagpupunas ang mga luha ko at umayos ng pagkaka-upo. "Hindi ahh. Napuwing lang ako." pagdadahilan ko.

"Hmm, narinig ko na 'yan. Ke'lan nga ba 'yun? Nu'ng mga panahong gabi-gabi na lang kung magbangayan ang mga magulang mo sa gitna ng malamig na pag ihip ng hangin. Nakikisabay sa pagiging malamig at nag-iisa ng klima ang puso mo. 'Yung mga panahong wala kang ibang makapitan kahit na pa ang sarili mo. 'Yung nawalan ka na ng dahilan para ngumiti at humalakhak ulit ng malakas. 'Yung-"

"Tama na. Please. Ayoko ng alalahanin lahat ng mga pangit na bagay na 'yon." pag pigil ko sa utak ko na maka-alala ng kung ano sa mga 'yon.

"Pero si Kim. Pangit naman siya ahh. Bakit mo siya ina-alala?" pagtatanong ni Nicole na nakapag-palaho sa lahat ng iniisip ko.

Napatingin ako sa kanya at, itinaas niya lang ang kaliwang kilay niya. Joke ba 'yon o seryosong drama line? "Well.. Si Kim, ay. Si Kim naman kasi. Iba siya. Siya lang ang pangit na magandang nangyari sa buhay ko. Alam mo 'yun? 'Yung tipong lahat ng mga pangit na nasa paligid mo, nawawala 'yon. Kasi sa tingin ko, kung nakahanap ka na ng isang taong bumago lahat ng kapangitan sa mundo mo, walang magandang bagay na mas gaganda pa sa kanya. Naiintindihan mo ba?"

"So sinasabi mo na, may gusto ka sa kaniya? Na siya lang ang nakitang mong pangit na nagbibigay ng ganda sa buhay mo? Bakit hindi mo pa i-straight to the point?"

Muli akong napalunok sa tanong niya. Bakit ba habang tumatagal, mas lalong nagiging-intense ang mga tanong niya? Nakaka-kaba na dahil baka kung saan pa 'to mapunta.

"Si Kim. Si Kim ang--"

*phone ringing*

Mabilis kong hinugot ang cellphone ko mula sa bulsa at sinagot dahil baka magising ko pa si Kim na nagpapahinga sa lakas ng pag-ring nito.

"Moshi-moshi?" pag sagot ng isang kilalang boses mula sa kabilang linya kahit na hindi nandito ang atensyon ko ay pilit niya itong ninakaw.

Dahan-dahan kong iniaangat ang telepono papunta sa tapat ng tenga ko kahit na manginig-nginig pa ako. Mas lalo akong namawis, at lalong nanuyo ang lalamunan ko ng pumewesto na ito sa tapat ng tenga ko.

Eversince I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon