Chapter 22:Ajujujuju!

18 6 0
                                    

-Kim-












Bwisheet na author toh, wala nang maisip na matinong title ng chapter. At bwisheet din 'yung si Russell dahil na-witnessed pa niya ang pag iyak ko. How date he? I mean, how dare him? Typo. Hindi naman pwede 'yun. Ajujujuju. Ilalaglag ko siya mamaya sa hagdan at ng magka-amnesia ang ajujut. Dapat niya ng makalimutan ang crying in pain face ko. Kim naman kasi eh. Walang hiya lang gano'n? Ano trip mo? Wala lang neh? Trip-trip lang? Happy-happy lang gano'n? Makapal na ba talaga?

















"Papasok ka ba o papasok ka?!" pagtatanong sa akin ni mama. Obvious po ba? 'De jukeness lang hehe.














"Opo naliligo na nga utak ko eh wait lang!" sagot ko naman at biglang may lumapat na mabigat sa batok ko. Parang naga-alta presiyon na naman ako ah. Ay chot. Kamay lang pala ni mama. Boom batok 'di ba? Andumi niya'n ng palad ni mudra.














"Bakit ka sumisigaw eh nasa harapan mo lang ako, bobita!" ngalit na ngalit si mama. Nakatapamewang siya at may sandok sa kamay. Nagluluto ata. Bilis naman niyang umakyat dito. O shunga lang ako kaya 'di ko napansin?


















"Magik Sandok po ba 'yan?" pagkamangha ko daw kunwari. "Hala, meron pa po ba kayong ganiya'n? Kelangan ko lang."


















"Gusto mo ng magik?--"

















"--Sarap po ba? Magik sarap? Betsin nalang kaya ma,"













Pagkatapos ng pamimilospo kong 'yon, parang may manipis na nag iinit na bakal ang humalik sa pisngi ko. Humampas na pala akin ang sandok na hawak ni mama dahil sa inis niya. Badtrip ata. Baka hindi pa nakapag-kape.














"Ma naman eh, nakakadalawa na po kayo ah. Baka mawala lahat ng pinag aralan ko niya'n kagabi." pag arte-arte ko with pakamot-kamot sa part ng ulo ko na binatukan ni mama kanina. Ngayon lang nag react 'yung sakit eh.


















"May laman pa nga ba 'yan?" pandidilat niya ng mata. Pa'no kaya dumilat ang mata? "Lunod na ata sa betsin eh. Sa tingin mo?" dagdag insulto niya pa.

















"Syempre meron pong laman 'yan. Andiya'n 'yung utak ko na puno ng mukha ni crush. 'Yung ano na kasi 'yun? 'Yung??? Basta mga parts ng brain search ko nalang mamaya. Na mental blockening ako. Tapos 'yung mga connectors ng ugat para sa ibang part of the body ko like kidney, heart, small intestine, large intestine, medium intestine, Extra small Intestine, Extra Large Intestine and so on and so what. Kapag hinampas niyo pa po ulit ulo ko, mawawalan na ng laman at ng master mind ang bahay na 'to." naka-baliwag mode lang ako ngayon pero matino akong tao. 'Di po ako pala-shabu ah. Pala-tambay lang, SHABU-hay mo. BOOMM SANDOK! Magik! Sarap! Mong kapiling!

















"May laman nga ba talaga?" pag-uulit na tanong ni mama at nagtaas ng kaliwang kilay. 'Di niya ba ako gets? Ngayon alam ko na kung kanino ako nagmana ng ka-slow-an. "Anak? Nag aaral ka ba talaga o sumisinghot ka lang ng katol diya'n sa kanto?" pamimilosopo na din ni mama. Gaya-gaya naman. Hmp.















Eversince I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon