Chapter 25:Double Trouble

7 6 0
                                    

-Kim-











Meet Kim Kyla Millicent Dela Fuente, ang babaeng ipinanganak na isang magandang bobitang shunga. Wait parang mali? Take 2 nga direk. Okay.





Meet Kim Kyla Millicent Dela Fuente, ang babaeng ipinanganak na isang sobrang magandang bobitang shunga. Wait lang, ha? Parang mali talaga. Last na direk. Take 3.







Meet Kim Kyla Millicent Dela Fuente, ang babaeng hinubog sa kagandahan at inborn ang beauty na may super duper extra judicial, fantacious, exceptional, plus extra terrestrial, with extra hot and spicy lucky me pancit canton na walang duda at walang KATULAD ang taglay na kagandahan. Ayan. Good na, thanks direk. Dahil sa kashungaan niya, siya na mismo ang problemang pinoproblema niya. Problema na rin mismo ang lumalapit sa kaniya ngayon dahil nahiya naman daw sila. Shungang bobita ba siya o Bobitang shunga? O sadiyang ipinanganak lang siya na may cutie mark sa pwetan niya at specialty niya ang pagiging bobitang shunga?








"Haaaaaayyyyy!!!!" napasigaw ako nang malakas tapos ginulo ang buhok ko at gumulong-gulong sa malambot at maganda kong kama. Chot! Mwahahahahahah!!!!----- UTUT!!! Papag lang ang higaan mo 'wag ka! Hampas kita diya'n ehh.







Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at iniluwal no'n ang isang nakakadiri at nakakatakot na nilang-lang.









"HOY! ANG INGAY MO, AKALA KO NAMATAY KA NA SANA!!" pag singit ni Kuya sa pagda-drama ko. So ayun, singit na naman siya kahit walang sense ang sinasabi niya. Haay, bakit 'di nalang siya 'yung mamatay, SANA DEN! Mabilis naman suminag sa pintuan ang mukha ni mama na mukhang nag rush pa papunta dito para silipin ako. Bakit nga ba kasi ako sumigaw ng malakas? 'Di naman ako ginagahasa sa panaginip ko ehh. MWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA---









"Anong nangyari sa 'yo?!!!" pag aalala ni mama. Ilang beses nang napuputol ang signature laughing line ko ahh. Saka ko na nga lang gawin kapag mag isa lang ako.








"Ahh.... may... ipis.. po kasi na.... na kamukha ni Kuya!! Oh no!! Nagulat ako no'ng nakita ko na hawig sila ni Kuya huehue. Kaya napasigaw lang ako, hihi. Pero lumayas na po. Okay na po.." pagdadahilan kong gasgas na pagdating kay mama.







"ANO?! IKAW!-" pasugod si Kuya sa 'kin dahil mukhang ayaw niyang maging kamukha niya 'yung ipis. Arte niya ehh mas may itsura pa 'yung ipis ke'sa sa kaniya ehh. Hhmmpp!






"Tama na nga 'yan!" pag awat ni mama sa ipis-este kay Kuya. "Mag layo na lang kayo." ayan stress na naman si mama. Imbis na stress na nga siya sa trabaho dito sa bahay da-dagdag pa kami. Dinilaan ko nga si Kuya tapos ang talim-talim ng tingin na iginanti niya sa 'kin. "Kim!!" pag suway ni mama kaya naman napatingin ako sa kaniya pero sumulyap pa 'ko ulit sa ipis na mukhang daga at dumila uli'. Inis niya lang 'di niya ko malalapitan. MWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAA!!!--- "Hoy ikaw! Ano namang iniisip mo! Ha?!" baling ni mama sa 'kin ng tingin ta's nag crossed arms pa. Yari ako neto huehue. Lumagok ako ng bata-este ng 'sang baldeng laway 'saka napaiwas ng tingin para iwas trouble na den hehe. "Sumagot ka-"










"Sorry na po mama hindi na po ulit ako sisigaw ng malakas sadiyang natakot lang po talaga ako do'n sa ipis na mukhang daga na hawig kay Kuya 'yun po 'yun talaga wala na pong ibang rason kaya sorry na po mama balik na po kayo sa pagta-trabaho, tutulungan ko pa po kayo." mabilis kong pagsasalita para hindi na humaba at lumala ang usapan. 'Di ko ata kayang maratratan kay mama ngayon at mukhang fully charge siya dahil ilang araw nang hindi bumabaril ang bunganga niya. Malas ko pag ako ang naputukan ne'to. MWAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAH---HUHUHUHUHUHUHUHUHUHUUHUHUH...








Eversince I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon