Chapter 42:Suitors Everywhere

5 1 0
                                    

-Kim-






Wala na akong idea kung paano ko pa sisimulan ang mga pov ko dahil, oh my gosh. Sa tagal kong dumadada sa kuwentong ito, hindi pa ako kailanman nabigyan ng 13k+ na pov. Like, shutanene kang Author ka ah! Sinasabi ko na nga ba may hidden agenda ka para kay Arlo ehh! Bwisheet kang manunulat ka!!! Ako 'yung maganda pero 'di mo man lang binigyan ng 13kyaw plus na pov in one chapter? So gaano siya ka-espesiyal sa 'yo? May something ba in your between na hindi ko alam? Anong kalanjootan ang ginagawa niyo behide my back ha? Ay! Wait. Behind my back-to-back?





Magsama kayo, pakshet na malutong! Last 9 chapters na lang ini-stress niyo pa ako? Anong gusto niyo? Isang madugong ending? HA! Sagot! Sagot mga ajujut! SAGOT!






Alam niyo, nanggigigil na 'yung apdo ko sa inyo ehh. Ano author, tamang tingin lang sa may itsura? Kung gano'n naman pala sana eh 'di hindi ka na lumayo pa. Naghanap ka pa ng japones eh andito lang naman akong babaeng MAGANDANG WALANG KATULAD. Allergic ka ba sa 'kin? Ooppss, sorry. 'Di ko, sinasadiya kong mamersonal. Ayan, kwits na tayo. Balik na ulit tayo sa kuwentuhan.










"Hi Ate." pagsulpot ng loyal customer ko na ikinagulat ko kaya hinalikan ko siya. Kasi naman eh! Gulatin mo pa ako!














"Anong habol mo sa 'kin? Para sabihin ko sa 'yo, nasa part-time job ko ako ngayon kaya kung magpapatutor ka, pass muna ako. Baka maipasa ko na lahat ng nalalaman ko sa kakatutor sa 'yo eh." pag irap ko sa kaniya at ipi-nunch ang binili niyang dalawang bote ng flavored water. "54."














Iniabot niya ang tatlong piraso ng bente sa 'kin na agad ko naman kinuha. "'Wag naman po lahat ng nalalaman niyo. Edi malaman ko po na may gusto pala kayo sa 'kin." pag abot ko ng sukli niya.















"Uy! Ang lanjoot mo ah! Pero pa'no mo nalaman? Naituro ko ba sa 'yo kung paano mo 'ko mamahalin?" pagtitig ko sa mga kyot niyang mata. Pwede kayang manahin ng mga magiging anak ko 'yan?












"Child abuse ka ate." ngumisi siya at iniatiya sa akin ang isang bote ng flavored water na binili niya na sakto naman nag landing sa malapad kong mukha-noo? Nakakalito ah.














"Hoy! Hindi kaya! Kung maka-child abuse ka! Magkasing edad lang tayo. Guys magkasing edad lang kami! 'Po' ka kasi ng 'po' sa 'kin kaya nagmumukha akong lola eh." singhal ko sa kaniya. "Ikaw nga diya'n, eh, animal abuse! Labag din sa batas 'yan, oy!"

















"So hayop ka?" paglakad niya papunta sa mini table na nasa gilid ng malinaw na salamin habang binubuksan ang inumin niya.

















"Hayop ka ah! Animal ka din!" paglabas ko sa counter at sumunod sa kaniya. "Lakas ng loob mong murahin ako ahh. Close tayo? Eh kung ibalibag ko kaya 'yang gwapo mong pagkatao sa pagkatao ko. Para equals baby na." binuksan ko na din ang inumin ko.












"'Di kita minumura, ate ah. Grabe ka. Minamahal kaya kita." pamimilosopo naman niya. Luh? 'Wag niya kong maganiyan-ganiyan at nasa tamang edad na ako para gahasain siya sig-Chot. Hehe. Ba't kasi kinakausap pa ako ng kumang na 'to? Bumabalik tuloy ang pagiging bobitang shunga ko. Hello Version 2.0 na 'to noh!


















Eversince I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon