Chapter 19:A New Start

11 6 0
                                    

-Kim-
















Kailangan ko bang umiwas dahil sa mga nangyari kahapon? Dapat ba hindi ako umiyak at umastang nagalit? Dapat ba hindi ako nag walking out? Shutragis naman oh. Nakakahiya! Baka mas lalo lang akong demonyohin nu'ng Park na 'yun eh! Lupa, lamunin mo ako ng buong-buo please? Masarap ako promise.











'Di kaya ako iyakin. Sadiyang walang hiyang hubas lang 'yang si Russell dahil malakas ang kutob kong siya ang pasimuno nu'n eh. Basta kademoniyohan, expected na, na siya ang leader. Hanggang kailan ba siya magpapaka-snob-ek-ek type na ubod ng taray at arte? Sa tingin niya lahat ng bagay nakakatawa? Akala ba niya close kami? Pero pag siya niyan dinemonyo ko ayaw niya. Shutragis!







Wala pa rin kaming pansinan ng grupo ko since yesterday scene. Ikaw kayang bihagin at takutin ng ganu'n ka-bongga? Kung hindi nga lang sila nagpakilala agad nadala na ako sa ospital at malamang sa malamang sa mga oras na 'to, naisugod na ang katawan ko sa puninarya. Sheet of paper talaga 'yang si Park eh. Nakakapanggigil ng apdo. Pisakin ko kaya ang bawat piraso ng katawan neto eh.









Magpapakatampo mode muna ako para umiwas sa kanilang apat. Kaya lang kasi may isang epal na hubas eh. Paano ko ba naman tatanggihan ang bobitang 'to? Pero salamat na din at hindi siya katulad nu'ng tatlo na to the moon and back ang taas ng pride.









"KIM!!" muli niyang sigaw at 'saka nagbaba ng boses. "'Wag ka ng magtampo please? Pakana namin lahat 'yun okay, kaya kay Russell ka lang magalit." pagpapaliwanag nito.










"Huh?" pagtataka ko. Ang labo naman kasi ng babaeng 'to eh. Pakana pala nilang lahat pero kay Park lang daw ako magalit. Ang cheap niya ah. Masyadong OA mag joke.







"Eh kase pakana namin talaga lahat. 'Di naman namin alam na medyo OA na pala ang pag arte namin kaya naging makatotohanan." pagpapaliwanag nito at yumakap pa sa braso ko. "Pero atleast Kim 'di ba, may talent kami. Malay mo sumikat kami someday. Laos ka, uy!" pagmamalaki niya sa sarili.










Napataas naman ako ng parehong kilay dahil maduduming bagay na lumalabas sa bibig niya. "Hmmm..."












"Kim naman galit ka pa ba??" pagtatanong muli nito at nakipag-eye contact na naman sa 'kin ng bonggang-bongga pero 'di ko siya magawang titigan pabalik. Shutragis naman kasi bakit wala pa kaming  matinong klase these past chapters? Short na naman ba sa budget ang show? Direk? Author? Ano na?










"Ahhh ehh... alam mo kasi," nauutalan kong pagsasalita at dahan-dahan kong nililingon ang mukha niya pero ayaw talagang gumalaw eh. Na neck freeze na ata me. Nangangapa pa ako ng sasabihin kaso wala talaga akong mahagilap eh. Drain ang dila ko bunganga ko sa kadaldalan ngayon.













"Gusto mo bang lumuhod pa ako o kami dito at maglupasay habang sinasabing 'Kamahalan patawarin niyo po ang inyong mga lingkod' gano'n?" suhestiyon nito at napangiwi na lang ako dahil sinubukan kong pigilan ang tawang kanina pa gustong kumawala.












"Laura, alam mo, pwede naman nating-" naputol kong pagsasalita ng bigla siyang tumayo at iniwan ako. Hala? Hindi na niya ba ako kinaya? Shutragis. Ang panget ko ba para ma-ignore? Syempre pangit kayo.











Eversince I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon