Chapter 7:The New Chapter In Kim's Life

32 7 0
                                    

-Kim-
















Ian-gwapong bestfriend. Kalaban ko sa lahat ng activities. Crush ko nu'ng bata-bata pa kami (ngayon kasi bata na lang) pero puppy love lang naman so, keribells. Parang ilaw kasi ang feelings ko sa kaniya, on and off ganu'n. Kakklase ko siya since birth at playmate na kapitbahay. Ano pa bang meron sa kaniya hmm?? Masarap? Chot. Dapat sa dila ko binubudburan ng holy water na may asin eh.









Max-baliw na batang anak ng principal na mahilig maghasik ng kademoniyohan sa akin at sa lahat ng trip niya. Reyna ng eskwela, 'kuno'. Kagandahan nga ang mukha, (weh?) pero bulok naman ang ugali (100% legit). Ke'lan siya mamamatay? Bukas? Sa makalawa? O now na? Ako kasi ang  maglilibing sa kanya ng buhay ehh. Bukod sa pugitang butanding siya, ahhm, sa tingin ko 'yun lang talaga siya ehh. Wala talaga siyang kwenta. Period.










Sandra-member ng squad ko. Laging andiy'an para sa akin at 'di ako iniiwan lalo na sa mga pakikipagsapalaran ko sa buhay (particularly-si Max, siya lang naman ang tinik sa lalamunan ko eh.) Mabuting tagapayo at malupit na kaaway ng kaaway ko. Seryoso lagi at expert pagdating sa pag ibig. KO. Single since birth. Liligawan mo siya? Sigurado ako mauupakan ka niya. Try to change your mind before you fall to the free fall. Hashtag Taylor.









Bea-squid naman siya. 'De jowk. Masayahin maingay at madaldal. Kabiyak Buko ko kumbaga. Daming alam sa kalokohan pero laging andiya'n para pasayahin ako. Supportive like Sandra at kinakaaway din si Max. Daming alam na korning joke at pinagtatanggol ako kay Sandra pag nasesermonan ako nito hihi. Lagi kaming magkasundo dahil nga magkasundong-magkasundo ang mga bobitang shunga naming mga kaluluwa.








Jake-Ang kuya mong seryoso. end of description.









New Life. New Beginnings. New Born. Hihi bagong panganak ang utak ko. Nabagok kasi ako kahapon kaya pinapalitan ko ang kaso, nakalimot din ako. Sino nga ulit ang MGA nagmamahal sa 'kin? Ang dami. Shocks naman.










OO!! NAKALIMOT NA KO!! SINO SI ARLO?! SINO SIYA!??! HINDI KO SIYA KILALAAAAAAAAAAA!!!!









'Di pa din ako nakakalimot T~T. Ang sakit, sakit, sakit, sakit, sakit. sakit. Anim 'yan. Demoniyo ka kasing kumang ka! Bakit Arlo?! Paano mo 'to nagawa sa akin? Crush naman kita ah? Kulang pa ba?! Usigi, Super, duper, extraterristrial, suspicious, magnicious walang-lasang juice, ikaw ay crush na crush ko. Ayan? Gusto mo ba pagawa ako ng immitation ko?! Kasi mukhang, Aym nat enough ehh. O gusto mo tatlong ako? Apat? Lima? Anim? Isang daan? Isang libo? Sapat na ba para hindi mo ako iwan??!!










Drama ko naman eh. Huhu. Oplan galugad tayo today. Babasahin ko lahat ng mga letter ni Arlo para sa akin. Let me start with this one nga! Ginigigil mo kong haponess ka ahh!! 'Pag ako 'di nakapahpigil papa-tsunami ko ulit 'yang japan-chots.











>Hi Kim ngayong nababasa mo 'to panigurado nakaalis na 'ko. Syempre magpapaalam ba naman ako kung andito pa ako? Haha. Alam ko, marami ka ng napanuod na palabas na may isang taong nagbabasa ng sulat pero sa TV, ibang boses ang maririnig 'di ba? Nag e-echo pa nga eh. Dito walang gan'on. Nakaalis na talaga ako kaya 'wag ka ng tumingin pa sa paligid mo para hagilapin ako. 'Wag mo na rin akong hanapin pa kung saan dahil panigurado nakalayo na ako.<









"Ano 'yon?! Anong ibig sabihin no'n?!! Omg, translator please! Paki-translate ang kahulugan ng kalanjootan niya!"









Eversince I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon