-Kim-
Nagbabalik ang bobitang shunga na ubod ng ganda. Ahihihihi thank you naman sa mga nakaka-appreciate ng ganda ko, sa mga hindi, goodluck na lang kung mabuhay pa kayo within 24 hours, ang sakit-sakit ng buong katawan ko dahil sa pilay ko kahapon, feel ko pa nga la-lagnatin ako dahil sa kumang na ajujut, makita ko lang kasi ang mukha niya o kahit maramdaman ko lang ang masama niyang presensiya, nag iinit na ang apdo't kalamnan ko. Nakakagutom siya-CHONA! AHAHAHAHHAHAHA, Nakakabaligtad lang siya ng sikmura kasi anytime na bubungad sa mga kyot kong mata ang pagmumukha niya, naduduwal na ako, feel ko tuloy mag kakaanak na kami-CHONA ULIT AHAHAHAHAHAHAHAH!!!
Napanaginipan ko kasi kagabi na tabi daw kaming natulog ni Japoness, pero hanggang do'n lang ang panaginip ko. 'Yun nga lang ata ang panaginip ko sa utak sa loob ng walong oras lagpas eh. Para lang siyang picture na naka-display sa isip ko. So dahil tabi kaming na tulog, may possibility na may mabuo 'diba? May mabuong kuto sa buhok niya. Tabihan ba naman ako sa iisang unan tignan ko kun'di mag kapiyesta sa ulo niya. Jolly pa naman ang mga baby kuto ko, tiyaka friendly na rin. Head and Shoulder Friendly sila.
Hindi na gaanong masakit ang pilay ko ngayon, feel ne feel ko ngang manipa ngayon sa mukha ng isang kumang na Japoness ehh. Parang naka-mood lang ang paa ko na pagtatadiyakan ang apdo niya at wasakin ang buong katawan niya. Maliban sa mmm niya-CHONA! AHEHEHEHE. Ang pangit ko naman tumanda, pati utak ko nadadamay, dapat kung tatanda ako katawan lang, ehh, pati ata utak ko nangungulubot na ehh. Ang lanjoot-lanjoot pa niya. 'Kaw kasi Author ehh, pati ako hinahawaan mo sa pagiging Malanjoot mo. Walang damayan, please? P'wede bang mag solo ka na lang sa buhay mo? Kung single ka mag isa ka lang, 'wag mo nang idamay ang pretty kong life. 'Wag gano'n okay? Masasayang ganda ko.
Author talaga ne'tong kuwento walang magawang maganda sa buhay, maliban siyempre sa pag likha niya sa karakter na nagngangalang Kim Kyla Millicent Dela Fuente, at ang buhay ng magandang species na ito, hehehehe, ay, ako ba 'yon? Oh my, pero si Author walang maganda sa ugali niya, Pabibo 'yan ehh kaya hindi siya ginawang maganda ng mga magulang niya ehh. CHONA AGAIN! Ahahahahahahah. "KIM!!!" pag tawag sa akin ng nasa ibabang bahay. Naka ilang tawag na ba si Nicole para lang gisingin ako? Sa tingin ko mga 68 na den, pang 69 na 'yan. "BUMABA KA NA PLEASE?! MALALATE NA TAYO!!!"
Kaninang madaling araw pa 'yan nambubulabog ehh, 'di ko naman alam na may pinsan na pala akong pinaglihi sa Megaphone, ay so ako Umegaphone na? Mas malaki bibig ko ehh. "O! O! SAN! DA! LI!" sigaw ko pabalik na may pa interval pa para ma-gets niya ang sagot ko. Ehh kasi kanina pa siya tawag nang tawag nakakairita lang you know? Chot! Hehehehe. Niligpit ko na lang ang pinagkumot ko kagabi na inilagay ata ni Nicole sa akin. Nakatulog na lang kasi ako basta sa sofa dahil sa sobrang pagod at busog ko, kaya pala hindi ko feel ang lamig ng aircon kagabi, akala ko na sira na ehh, sayang naman, ipapakalakal ko na sana para may pera ako sa pasukan.
Bumaba na rin ako pagkatapos kong gawin ang daily routine ko-Ang mag jumping rope na ulo ang tumatalon, mag split to the left to the right, mag cartwheel ng upside down at tumawirik sa kisame 'saka malaglag sa sahig na una ang mukha. Nakakaganda 'yan, try niyo din. Si Author nag improve na ang mukha niya at siya ang aming ambassador dahil ang mukha niya ang patunay na effective at legit ang aming business-The Stretch Reliever-aid. Nagdedeliver din kami ng mga gamot. Kung gusto niyong um-order pm niyo lang ang page namin ta's pa like and share na rin. Pa heart react na din ng page photo namin ta's pakilike na lang lahat ng mga status at post namin. Salamat :) po sa inyong magiging tulong. :>>>
BINABASA MO ANG
Eversince I Love You
Teen FictionDo you need to count how long have you been inlove? Or when did you move on so you can finally say that your heart is no longer inlove? Do eversince exist? Or we just only hope that we made things first done before the run began? I love you eversin...