Chapter 18:Group Of Angel And Demons

11 6 0
                                    

-Kim-












Tahimik ang buhay sa loob ng kalahating taon. So ine-expect ko na mag tutuloy-tuloy ito hanggang sa susunod na 3 and a half year pa.















Yes! Nasa tatlong taon pa ang gugugulin ko sa eskwelahang ito. Medyo nakakaumay tumira sa mini hell ni King Park pero sige, tiis-tiis lang naman. Laban lang. 'Wag papatalo sa mga diyablo at demoniyong nagkalat sa paligid.
















Demons are everywhere. Over there, over there and over there too. Naglipana ang mga diyablo kung saan-saan. Nagpapasalamat naman ako kasi kahit papaano, nananahimik ang pinakanakakatakot sa kanila.

















Simula nu'ng ma-guidance si Mika, 'di na siya nanggulo pa. Bogus pala siya eh. Sabi niya last chap may round 2, 3, 4, 5, 6 etc pa. Okay na siguro 'yun, para naman mabawas-bawasan ang mga sigalot na nangyayari sa buhay ko. Pero syempre kung nababawasan nadadagdagan parin.















Ang pinuno ng kalanjootan. (thunder effect) (tenenenen!) Patuloy sa pananamantala ng mga babaeng naghahabol sa kaniya. Ang walang kakupas'kupas sa kakapalan ng mukha, presenting, Mr.Allyson Dellubyo.
















Bakit ba nagsiangat lahat ng diyablo mula sa lupa? Ah alam ko na. Dahil sa kanilang mataray na Hari. (Thunder x2!) (Tenenenen tenenenen!) Kung malala ang diyablo ng kalanjootan, mas malala ang diyablo ng katarayan.
















Hindi lang sa isip, salita at sa gawa. Kun'di pati sa buhay ko. Ano ba?! Sino bang kampon niya ang bumulong sa kaniya na gusto ko siyang maging close? Mas okay na kaya si Allyson kesa sa kaniya.
















Napaka ano naman kasi ng lalaking ito eh. Lapit ng lapit sa akin feeling niya close kami? Ganu'n? Nakikipag-close pero 'di naman nagsasalita. Ano 'yun? 'Di rin naman siya friendly. Dapat 'wag siyang masiyadong hubas at mayabang diyan. Pulbusin ko apdo niya eh.














Kung sa tingin niya, nagpapasalamat ako sa kaniya dahil sa tulong niya sa akin kay Mika. Pwe! Nebwer in my dead body. Ako? Pupuriin ang katulad niya? Ano siya?  Panginoon? Eh mini hell lang naman ang meron siya.
















"Sinong iniisip mo?" mahinang pagtatanong ng kumang.















"Anong pake mo?!" pag harap ko dito at nginitian.

















"Wala." maikling sagot niya at umalis.














(Wind blows effect) Ang lamig. Parang bangkay mong puso. Minsan 'di ko rin mabasa ang lalaking ito eh. Ano kayang laman ng utak niya? Mukhang wala naman. Pero parang may seperado pa siyang utak na nandadiyan lang. Bigla na lang papasok sa ulo niya at 'yun mag iiba na naman ang pag iisip.















Tss. Walang kakwenta-kwentang kausap itong Park na 'to. Sana naman may matinong kaibigan diya'n oh? Kahit isa lang? Wala pa rin akong ka-close sa mga kakklase ko. Maliban kay Park at Delloire na feeling close. Sana si Hera kaso mukhang 'di niya feel magkaroon ng kaibigan na maganda eh. Baka masapawan siya.














Eversince I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon