Chapter 47:Confuse + D?

4 2 0
                                    

-Kim-




"Kim sumama ka na sa 'kin! Sisiguraduhin kong liligaya ka sa bawat segundong kasama mo ko! Hindi mo 'to pagsisisihan!"




Hala. Si Arlo ba 'yun? Ang gwapo naman niya sa sa suot niya. Parang 'yung mga british na pananamit ganon-ganon. Nakalahad pa siya ng kamay habang tinitignan ako dito na nasa taas ng balkonahe ng bahay namin. May balkonahe pala kami? Anyway panaginip lang naman 'to so kapalan ko na mukha ko. Isagad ko na ang kahibangang kong 'to.





"O Arlomeo. Anong ginagawa mo dito? Kapag nakita ka ng aking ama ika'y kaniyang igagapos at ipapakain sa buwaya. Dahil isa kang gaya-gaya at putumaya. Chot. Ano ba kasing ginagawa mo dito?" nag aalala kong tanong habang nakadungaw nga sa imaginary balkonahe namin.







"Wala akong pake sa iyong ama Kimliet. Ang nais ko lang ay makapiling ka kahit ano pa ang mangyari sa 'kin. Hindi ako natatakot na ipaglaban ang pagmamahal natin kaya halika Kimliet at samahan mo ko sa labang ito."








"Gagi! Ayoko ngang malapa ng buwaya ang ganda ko! Laspag akong aakyat sa heaven non, no way! I love you pero sorry, I love myself hehe."







"Kimliet!!" sigaw ng isang matikas na boses mula sa loob ng bahay namin at papalapit na sa 'kin.





Nilingon ko naman siya total 'di ako snobber. "Ama?! Hey yow wazzup! Kamusta pards?"





"Tigilan mo ko Kimliet! Alam kong may dinudungaw ka sa balkonahe. At alam kong ang hampas lupang anak ng mahirap na lalaking 'yun ang dinudungaw mo!"






"Alam mo naman pala paps eh. Grabe ka. Dito, halika makidungaw ka rin. Tapos itutulak kita para dedukels ka. Come to me pappi!"





Lumapit naman siya. HAHA! Syempre 'di ko pwedeng totohanin 'yung sinabi ko at baka mawalan ako ng pagkukunan ng sustento. Ayoko kayang maghirap. Hello? Kahit sa panaginip lang please naman.






"Nakakasulasok ang iyong presensiya binata. Tignan palamang kita ng ilang segundo halos ikabulag ko na. Lumayas ka!! Kung ayaw mong padanakin ko ang mababang uri ng dugo mo!"





"Hoy grabe! Paps naman! Why is that? Mahal ko kaya 'yan! I want his blood paps please 'wag mo naman basta padanakin diyan! Sayang! Ako nalang magpapadanak non hehe. Ako na bahala."





"Itikom mo ang bibig mo Kimlieta! Pumasok ka sa loob at asikasuhin ang iyong nararapat na mapangasawa! Ilayo mo ang sarili mo sa mababang uri ng taong ito!!"






"Hoy Arlomeo! Andon 'yung hagdan paakyat oh!" turo ko sa gilid ng mansiyon namin. "Akyat ka dito para 'di ka na mababang uri ng tao. Nakakangawit dumungaw bes! Dito nalang tayo magchikahan please." pag uutos ko.






"Sinusuway mo na ako Kimlieta!?! Gusto mo ba talagang patayin ko ang lalaking 'to dito mismo mo sa harapan mo at ng tumigil ka na sa mga kahibangan mo!"






"Grabe ka paps. 'Di ko alam kung anong mas masakit du'n sa sinabi mo. Kung 'yung papatayin mo ba siya sa harapan ko o 'yung harapan ko. Meron ba ako nun dito sa panaginip?" tinignan ko si daddy yow at nakasalubong naman na ang mga kilay nito. "Chot lang hehe. O siya. Bababa na muna ako para i-meet si Arlomeo ko. Sunod ka nalang paps."







Eversince I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon