Another day at andito na naman ako sa school. The moment I step my foot on the hall caught everyone's attention. Ayan na naman ang mga tingin nilang sumasalubong at tumutunaw. I felt anxious kahit na araw-araw na itong eksena sa tuwing papasok ako. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na lang akong maglakad with my head down. I already got used to it and it's no big deal anyway.
"OMG, she's here. Tabi bess may dadaan na diyosa," bulong ng isang estudyanteng nadaanan ko.
"Aii dyosa nga bess!"
"Ang gorgeous niya naman!"
"Petmalu sa ganda si ate lodi!"
"Good morning miss beautiful," bati ng chinitong todo pacute at ayos ng buhok niya sabay bigay ng bulaklak.
"Ate pretty paselfie naman oh."
There goes their admiration again. Halos kabisado ko na nga ang mga sasabihin nila. Ikaw ba naman makarinig ng ganyang mga papuri araw-araw. Kesyo diyosa daw, beautiful, pretty, gorgeous at kung ano-ano pang synonymous words ng maganda. May magpapaselfie at mag-aabot pa ng bulaklak. Routine na ito sa tuwing papasok ako ng school araw-araw.
Pero teka, hold your expectations . . .
. . . kasi hindi naman ako ang pinupuri. Oo, tama ka ng basa kaya wag ka ng magback read. Hindi ako, kundi yung kasama kong kapatid, si Ate Leian. Siya ang maganda, hindi ako. Lilinawin ko ulit ha, si ate talaga yung sinasabihang maganda, hindi ako.
Si ate ang tagatanggap ng mga papuri nila, tagapakinig lang ako. Klaro na tayo doon?
"Aii ano ba yan?! Ang ganda na ng entrance ni Leiandra eh. Tch. Kaso umeepal itong si nerd," irap ng isang schoolmate ko.
"Syempre, kung prinsesa si Leiandra may maid yang kasa-kasama. Ha ha ha!"
"Bruha kamo--- pfft!"
"The Princess and the Frog bess! Si nerd yung frog of course! Ha ha ha ha!"
In fairness rinig ko sila. Kailangan ba talagang harap-harapang manlait? Kung gaano sila katinding pumuri kay ate, doble naman ang panlalait nila sa akin. Hindi daw kasi ako kasing ganda ni ate. Pasalamat sila hindi sila narinig ni ate dahil busy pa siya sa mga nagpapapicture sa kanya. Try nga nilang ulitin ang mga sinabi nila sa harap ni ate kung di mahila ang mga dila nila ng sabay-sabay.
"Hoy nerd! Aren't you nahihiya?"
Tsss. Andito na naman siya . . .
"Ganyan na ba talaga kakapal yang ugly face mo? Matuto ka ngang lumugar. Ang ganda-ganda ng ate mo tapos tatabihan mo? Have shame kasi nagmumukha ka lang basahan."
Nagcounterclockwise na lang ang mga mata ko nang dumating ang virus ng buhay kong si Stacey Montero, ang kaklase kong spoiled brat na pinanganak sa mundong ito para lang ako laitin araw-araw. Naningkit ang mga mata ko sa nakakasilaw niyang mukhang parang nasubsob sa make up. As usual, kasama pa niya ang dalawa niyang alipores na magkambal, sila Steffanie at Tiffany Perez na naunang manlait sa akin kanina sa hallway.
Andito na naman itong tatlong walking virus na 'to. Promise, mukha silang mga kengkoy sa TV. Actually, bilib ako sa puwersa ng panlalait nila eh, grabe ang tindi! Kung makalait wagas. Hindi pa ako nagtatagal dito sa school ng sampung minuto pero sira na agad ang araw ko dahil sa kanila.
"Hoy nerd---
"Aside sa magdrawing ng kilay, talent niyo rin talagang manlait noh?" pagputol ko sa sasabihin ni Stacey. Plastik akong napangiti sa kanila, "Sali nga kayo sa Asia's got talent, malay niyo magolden buzzer kayo."
Tch. Wag akong subukan ng tatlong virus na to dahil di sila uurungan ng white blood cells ko.
"Excuse me?!"
BINABASA MO ANG
Nerd in Section ANGAS
Teen Fiction[Highest Rank Achieved in Teen Fiction: #6 (4/29/18)] [Highest Rank Achieved in Friendship: #1] Isang grade conscious na nerd ang magsisimulang magulo---este mabago ang buhay mula nang malipat siya sa hindi inaasahang pagkakataon sa pinakamaANGAS na...