I woke up feeling dizzy. Medyo namumugto pa ang mga mata ko dahil sa pag-iyak ko kagabi. I did my usual routine para makapasok ng maaga sa school. Pagkababa ko galing sa kwarto ko, naabutan ko si mama na naglalagay ng mga plato sa lamesa.
"Good morning nak," mama smiled.
"Good morning ma."
Lumapit ako sa kanya para ko siya yakapin. Kung ngumiti si mama ay parang walang nangyari kagabi. Nothing changed, she's still the mother I know.
Well, kahit hindi ako nanggaling sa laman at dugo niya, she still raised me like her own daughter. Hindi siya nagkulang sa akin sa pagmamahal at pag-aaruga, at naging pantay ang pagtrato niya sa amin ni Ate Leian. That's what makes her a mother to me. It's not always about the blood.
Lumabas si Ate Leian mula sa kanyang kwarto at nadatnan kaming magkayakap ni mama. Ate smiled and joined us.
"Kapatid pa rin kita ha," Ate Leian pouted, "Not sisters by blood, but sisters by heart."
"Oo naman ate," I hugged tighter.
Bumitaw na kami sa isa't-isa at kumain na ng agahan. Ayaw ko mang sirain ang moment, pero kailangan pa naming pumasok sa school. I didn't expect that this day will start normally, pero the pain is still inside here. Hindi madaling mapawi iyon.
Pagkatapos kumain ay nagpaalam na kami kay mama. As usual, sumabay kami kela Aki at Kuya Iggy sa pagpasok. What's not usual ay hindi inasar ni Kuya Iggy si Ate Leian hanggang sa nakarating kami sa school.
Maagang nagsimula ang klase pero parang lutang ako ngayong araw. I was spacing out kaya wala akong naintindihan masyado sa discussion. Sabaw ang utak ko at hindi ako makapag-focus. Hindi naman ako ganito, pero dahil siguro ito sa nangyari kagabi. I'm quite affected and bothered.
Napatingin ako sa katabi kong upuan. The seat is still vacant. Wala pa rin si Ashton at wala pa rin akong balita sa kanya. Miss ko na yung lalakeng may kulay abong buhok na iyon. Mas nawawalan tuloy ako ng ganang mag-aral dahil wala siya. I miss him, sana bumalik siya agad.
I scanned my eyes around the room at saktong nahuli kong nakatingin sa akin si Clint. He's looking at me oddly na para bang ang lalim ng iniisip niya. I wonder what's running in his mind right now. Gusto niya na rin bang umuwi gaya ng iniisip ko? I mouthed 'why' at him but he just averted his gaze at binalik ang kanyang atensyon sa teacher namin.
Nangalumbaba na lamang ako at tumitig sa kawalan. It's odd to say pero nababagot na ako sa klase.
Sana uwian na . . .
Iyan na lamang ang paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko. All I want is to go home and lock myself inside my room while I sleep.
"May isa ditong hindi nakikinig," Collosus murmured, "Hindi ko sinasabing yung katabi ko pero parang ganun na nga."
Napatingin ako sa kanya at nadatnan ko siyang pilyong ngumingisi habang abala sa pagsusulat ng kung ano-ano sa notebook niya. Tumaas ang kilay ko sa kanya.
"Tsk. Tsk. Tsk. Naku," he playfully shook his head.
"Ikaw nga rin eh," my eyes furrowed.
Natigilan siya sa pagsusulat at nilingon niya ako. Siya naman ang nagtaas ng kilay sa akin.
"Nakikinig kaya ako," he grinned, "I'm just taking down important notes na posibleng lumabas sa exam."
BINABASA MO ANG
Nerd in Section ANGAS
Teen Fiction[Highest Rank Achieved in Teen Fiction: #6 (4/29/18)] [Highest Rank Achieved in Friendship: #1] Isang grade conscious na nerd ang magsisimulang magulo---este mabago ang buhay mula nang malipat siya sa hindi inaasahang pagkakataon sa pinakamaANGAS na...
