CHAPTER 5

16.7K 635 76
                                    

Things became clear last night. Past is past so there's nothing to look back for. It hurts, though I need to accept Aki's desire. If I am nothing to him anymore, then I'll let it be if that's what pleases him. Pero hindi ko maipapangakong makakalimutan ko siya bilang dating best friend ko. Our memories deserved to be treasured and cherished at least by me.

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Pagmulat ko pa lang ng mga mata ko, sumagi agad sa isip ko ang nangyari kagabi. Parang nawalan tuloy ako ng ganang pumasok ngayong araw. Nakakalungkot kasing isipin, pero siguro okay na rin yun para wala na akong asahan pa. All I have to do is start this day normally like nothing happened. I did all my routines to prepare for school. Bumaba na agad ako para kumain. I can already hear my stomach grumbling.

"Good morning nak," bati sa akin ni mama.

"Good morning po ma."

"Bakit ka pala agad umuwi kagabi Mixhee?" tanong niya.

"Inantok na po kasi ako," tipid kong sagot. I'm not lying, aside sa nasaktan ako, talagang inantok na rin ako that time.

"Nagbonding dapat kayo ni Aki."

"Para saan pa?" bulong ko.

Inubos ko na lang ang pagkain ko. Ayokong ipagpilitin ang sarili ko kay Aki. Kung ayaw na niya akong maging kaibigan, edi wag.

Maya-maya ay lumabas na si ate sa kwarto niya, as usual ang ganda niya. Parang hindi pupunta sa school eh. Sa ayos niya akala mo rarampa sa fashion show.

"O nak, kamusta naman kayo ni Iggy kagabi? Nag-away na naman ba kayo?"

"Hindi po," sagot ni ate.

"Ha?!" mama and I exclaimed.

"Yup! Iggy and I decided to get along. Malalaki na kami, it's time to grow up and be mature," ngiti ni ate.

"Ows? Weh ate?" ani ko.

"Oo nga, friends na talaga kami. We're not frenemies anymore," she chuckled.

Hindi pa rin kami makapaniwala sa sinasabi ni ate. Paanong nagkasundo ang aso't pusa? Buti pa sila ni Kuya Iggy nagkaayos na. Eh kami ni Aki? Ayun, wala na, finish na. Friendship over. Naging magbest friends turned out to strangers kami.

*Beep*

*Beep*

*Beep*

Ang aga-aga may busina ng busina sa labas ng bahay. Sino naman yun? Lumabas si mama para tignan kung ano ang meron sa labas. Maya-maya ay masayang tumatakbo si mama sa amin. Agad niyang kinuha ang mga bag namin at binigay iyon sa amin ni ate.

"Anak! Dali, tumayo na kayo diyan. Iggy is here to pick you up. Sabay na kayong papasok, hurry," excited na sabi ni mama.

Biglang nasamid si Ate Leian. Pareho kaming di inasahan ang pagdating ni kuya. So nagtransfer na pala si Kuya sa school namin? Hmmm, may bago na namang pagkakaguluhan sa school namin.

Lumabas na kami ni ate ng bahay. Bumungad sa amin ang magarang kotse ni Kuya Iggy.

"Good morning my sweet Leian! Hello Mix! Good morning din," ngiting abot langit ni kuya.

"Good morning," Ate Leian greeted with her gritting teeth. Nakabusangot siya. Akala ko ba nagkaayos na sila? Sabagay, they are still under adjustments, mas sanay silang nag-aaway kesa magpakasweet sa isa't-isa as friends eh.

Si ate ang umupo sa passenger's seat. Nang buksan ko ang pinto sa back seat, nasurpresa akong andun si Aki na nakasandal habang nakapikit at suot ang kanyang headphone.

Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon