CHAPTER 36

12.3K 498 169
                                    

"Wahhhhh! Male-late na ako!"


Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko nang makita ko ang orasang magseseven-thirty na ng umaga. Mas mabilis pa sa alas kwatro akong pumasok sa banyo at naligo.



Pagkatapos kong gawin ang mga ritwal ko sa umaga, dali-dali ko ng sinukbit ang bag ko at lumabas ng kwarto.


"Ate Leian, tara na!" nagmamdali akong bumaba ng hagdan pero sinalubong ako ni mama sa baba.


"Nauna na ang Ate Leian mo nak, kanina pa."


"Hala, wala na akong kasabay," nguso ko.


"Anong oras ka na ba kasi natulog kagabi nak? Hindi ka tuloy nagising ng maaga."


Natigilan ako sa tanong ni mama. Anong oras na nga ba ako nakatulog? Sa pagkakaalam ko ay mag-aalas dose na ng umaga. Kasi naman, masyadong binagabag ni Ashton ang isip ko. Sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko mula noong makasama ko siya hanggang sa paghiga ko ay hindi talaga ako nakatulog agad.


Hindi ko na nasagot si mama. Napabuntong-hininga na lang siya at inabutan ako ng dalawang sandwich na gawa niya. Nagtaka naman ako dahil usually isang sandwich lang ang binibigay ni mama sa aking baon dahil alam niyang hindi ko nauubos ang dalawa.


"O sige na anak. Galaw-galaw na. Ayan na yung sandwich mo," sabi ni mama, "Bilis kasi kanina pa naghihintay sa'yo si Ashton sa living room."


Namilog ang mga mata ko ng marinig ko ang pangalan ni Abo.


"P-po?!" namilog ang mga mata ko, "Sinong Ashton?!"


"Yung boyfriend mo."


"Boyfriend?" kumunot ang noo ko sa mga pinagsasasabi ni mama.


Dinaig ko pa si Flash sa bilis ng pagtakbo ko papuntang living room. Nagsimula na namang kumabog ang puso ko mula noong marinig ko ang pangalan ni Ashton. Nang mahagilap ng mga mata ko ang lalakeng may kulay abong buhok na nakaupo sa couch namin, parang tumigil ang mundo ko. Anak ng pusang gala, andito nga si Ashton.


"Good morning Halo-halo," nakangiting bungad sa akin ni Ashton.


"Abo?" hindi makapaniwala kong sabi. Kahit ilang beses na akong kumurap-kurap ay nakikita ko pa rin si Ashton. Hindi nga ako namamalik-mata, "A-anong ginagawa mo rito?"


"I was waiting for you. We'll go to school together."


Napaawang na lang ang bibig ko at napatitig kay Ashton pero kinindatan niya lang ako.


"Sige na nak, pumasok na kayo sa school," bulong sa akin ni mama, "Yung isang sandwich ibigay mo sa boyfriend mo ha."


Nanlaki ang nga mata ko at agad kong tinakpan ang bibig ni mama. Nakakahiya kay Ashton. Mabuti sana kung sinabi niyang ex-boyfriend.


"M-mama naman," I stuttered, "Hindi ko boyfriend si Ashton."


"Aii hindi pa ba?" mama chuckled, "Sige na, male-late na kayo. Ingat kayo sa biyahe."


Nagpaalam na ako kay mama at sabay na kaming lumabas ni Ashton. Pinasakay niya ako sa passenger's seat ng kotse niya at umalis na kami. Habang nagdra-drive siya, linabas ko na ang sandwich na gawa ni mama.


"O, ginawan ka rin ni mama," abot ko kay Ashton ng sandwich.


Kinagatan ko na ang akin pero hindi pa rin tinatanggap ni Ashton ang kanya.


Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon