Days have already passed since sinagot ko si Ashton, but I still can't believe that he is now my official boyfriend. Hindi ako makapaniwalang after seventeen years, tiwalag na ako sa samahan ng mga no boyfriend since birth. Hindi na lang ako sa pag-aaral committed, kundi pati sa relationship na ito.
Naging usap-usapan ang namamagitan sa amin ni Ashton sa buong campus. Iba't-ibang kumento at opinyon ang narinig ko. Some are happy for us, while others aren't. Some said that we look good together and wished for our relationship to last long, while others said that Ashton could have picked a better girlfriend than me. Gayun man, hindi ko na lang pinansin ang mga negatibong usapan ng ilan dahil alam ko namang hindi iyon makakatulong sa amin ni Ashton. Ang mahalaga ay masaya kaming dalawa nang walang natatapakang tao.
Bukas na ang opening ng Inter High at gugugulin ng limang araw ang event kaya nagpatawag ng last minute meeting ang coordinators ng event kahit na Sunday ngayon.
Nasa meeting ako ngayon para pag-usapan ang fast approaching na Mr. & Ms. Inter High. Lahat ay nakikinig sa nagsasalitang school activity coordinator sa harap. Kanya-kanya silang bigay ng suggestion sa pwedeng gawin at mangyari, samantalang nananahinik lang ako kasi wala naman akong alam sa ganyan. Okay na ako sa kung ano ang i-suggest nila basta kaya kong gawin.
"So those are the agenda para sa Search for Mr. & Ms. Inter High. Sana manalo ang candidates natin at sana ay patuloy natin silang suportahan hanggang sa huli," sabi ng school activity coordinator, "Good luck sa candidates natin!"
Nagpalakpakan ang mga dumalo at isa-isa na silang nagtayuan sa kani-kanilang kinauupuan. Dalawang oras tinagal ang meeting at sa loob ng mga oras na iyon ay hindi magkamayaw ang pagkabog ng puso ko dahil sa kaba. Kinakabahan ako sa pinasok ko. Akala ko hahawak lang ako ng banner, pero ang dami palang nakakalulang gagawin at makakailang rampa pa pala ako sa stage habang suot ang napakataas na heels. Na-iimagine ko na tuloy ang sarili kong natatapilok sa gitna ng stage at pinagtatawanan ng mga tao.
"Good luck Mixhee. I know you can do it," lumapit sa akin ang isa sa mga student council officer na dumalo.
She is a pretty girl with a black wavy long hair. Matangkad at maputi. She looks friendly lalo na't kanina pa niya ako nginingitian. Siya na lang dapat ang sinalang sa pageant eh.
"Thank you," I smiled back. Magdilang anghel sana siya. Napatingin ako sa School ID picture niyang parang pang cover na sa magazine dahil sa ganda. Sana all.
May sasabihin pa sana siya kaso biglang sumulpot si Collosus na may dalang isang pile ng mga papeles.
"Bring these to the office and look for the principal for her to sign the papers that I gave you yesterday," utos niya sa kausap ko sabay bigay ng mga papeles sa kanya. Napansin ko ang lamig sa boses niyang nakakapanibago.
"Excuse me, Santiago?" tumaas ang kilay ng babae at humarap kay Collosus. Yung kaninang maamong mukha niya ay napawi, "Kanina mo pa ako inuutusan ha, iba naman kaya yung utusan mo! Andyan naman sina Joey."
"Excuse me, Avellana. That's an order from the student council president. You're just my secretary kaya wag kang umangal."
Tumaas din ang kilay ni Collosus. He flashed his poker face at para bang hindi siya ang Collosus na kilala ko. Si Collosus ba talaga 'tong nasa harap ko? Nagtagpo ang kilay ko. Looks like something is off between them.
"Oo, secretary mo ako pero wag mo akong abusuhin. Namemersonal ka na!"
"Namemersonal? Don't assume, miss," Collosus smirked.
BINABASA MO ANG
Nerd in Section ANGAS
Teen Fiction[Highest Rank Achieved in Teen Fiction: #6 (4/29/18)] [Highest Rank Achieved in Friendship: #1] Isang grade conscious na nerd ang magsisimulang magulo---este mabago ang buhay mula nang malipat siya sa hindi inaasahang pagkakataon sa pinakamaANGAS na...