CHAPTER 52

9.2K 327 101
                                    

Clint's POV



"Clint is a walking pain in the ass. I remember when he was five, he barged in my office while we're having a meeting. My goodness, he's only wearing a brief with my picture on his butt. That was so embarrassing," iiling-iling at ngingisi-ngising kwento ni dad.


Pigil na tumawa si Mixhee sa gitna ng kanyang pagkain. Kanina pa kwento nang kwento ang tatay ko tungkol sa mga kalokohan ko dati kaya hindi na tuloy mapinta ang mukha ko at halos umabot na sa EDSA ang nguso ko. Nakakahiya! I was never ashamed of my shenanigans until now that Mixhee is hearing about it.


"Dad naman," I groaned but he just laughed.


"But you know what, Mixhee? Clint may be a pesky son but like what I've said, he'll be a good brother to you. I assure you that."


Sumulyap si Mixhee sa akin, pero agad din siyang tumungo nang mahuli ko siya. Mula pa kanina, wala siyang imik, ni hindi rin siya makatingin sa akin nang diretso. Hindi ko naman siya masisisi kung hindi siya makapaniwalang magkapatid kami dahil ganun din naman ang naging reaksyon ko noon. Who would have thought that we're siblings?


Noong nalaman ko nga na magkapatid kami ay nasaktan pa ako, syempre kasi may gusto ako sa kanya. Tuluyan na akong nawalan ng pag-asa kay Mixhee and I was left with no choice but to let go of my feelings for her. Mahirap mag-move on noh. Damn. Kagwapo-gwapo kong nilalang pero sawi naman ako sa pag-ibig.


Habang kumakain ako ay nagtama na naman ang mga mata naming dalawa. I can see bewilderment and confusion behind her innocent face. Sinubukan ko siyang ngitian pero nag-iwas lang ulit siya ng tingin. Malamang, naguguluhan pa siya. Ito kasing si dad binigla si Mixhee. Ito naman kasing tatay ko, walang sinasabing perfect timing. Ni hindi nga niya ako sinabihan na dadalhin niya sa bahay si Mixhee.



"Wag kang mag-alala Mixhee. Alam ko namang magkakasundo kayo ng kapatid mo," ngiti ni dad.


Napabuntong-hininga na lang ako at napatitig sa pagkain kong hindi ko masyadong nagalaw. Sana nga dad. Sana rin matanggap ni Mixhee ang katotohanang magkapatid kami, na may gwapo siyang kapatid.

Napatingin ako sa bintana at bumungad sa akin ang repleksyon ng mukha kong kinababaliwan ng mga kababaihan. Whew, mahangin pero totoo.




Mixhee's POV


Pagkatapos naming magsalo-salo ay napagdesisyonan na ni dad na ihatid na ako pauwi dahil mag-aalas nwebe na ng gabi at baka raw mag-alala na si mama sa akin.


"I'm so happy to be with my kids," ngiti ni dad habang inaakbayan kami ni Clint. Dad messed Clint's hair with his right hand while he patted my head with his left.


Hindi talaga ako makapaniwala. How on earth did Clint become my half-brother? I was clueless! Tapos knowing that he had feelings for me before, napaka-awkward!


"Excuse me, I'll just take this call," sabi ni dad nang mag-ring ang kanyang cellphone, "Clint, samahan mo muna ang kapatid mo."


Bago pa man ako makapag-react ay nakaalis na agad si dad, kaya wala akong nagawa kundi ang maiwan akong kasama ang newly known half-brother ko. Napabuntong-hininga na lang ako at nagkunwaring linilibang ko ang sarili ko sa pagtingin-tingin sa paligid. This is going to be minutes of awkwardness with him.


Namulsa at tumikhim si Clint na ikinaagaw ng atensyon ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay nahuli kong nakatingin na siya sa akin. Hindi ko mawari kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon, but one thing is for sure, kanina pa niya sinusubukang kausapin ako pero ako itong iwas nang iwas.


Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon