CHAPTER 13

16.3K 629 170
                                    

Ilang araw na ang nakalipas na kasa-kasama ko sila Aki, Collosus, Ashton, Luhan, at Clint sa Section ANGAS, and guess what? Buhay pa rin ako! Salamat sa mga santong dinasalan ko dahil kinaawaan pa nila ang kaluluwa ko. Ang daming nangyari sa loob ng isang linggo, puro kulitan, kabaliwan, at kalokohan. Nakakastress nga minsan sa bangs ang boys eh, daig pa ang mga bata sa kakulitan. All I thought pugad ito ng mga nakakatakot na gangsters, well they are intimidating at first pero there's one thing that I realized, they are fun and so crazy to be with.

"Uii Mix, ano? Hihilata ka na lang diyan sa kama buong araw?" tanong ni Ate Leian na biglang pumasok sa kwarto ko nang walang katok-katok. Sanay na ako sa kanya. Ewan ko nga kung bakit linagyan pa ng pinto ang kwarto ko kung hindi naman iyon kakatukan ni ate eh.

"Ate walang pasok. Matutulog pa ako," I murmured tyaka nagtalukbong ng kumot. Kalahati pa ng malay ko ay naglalakbay pa rin sa panaginip ko.

"So ano? Pauuwiin ko na lang yung limang boy friends mo sa baba?"

"Wala akong boyfriend ate---

Limang boy friends

Limang boy friends

Limang boy friends

Bigla akong napamulat ng wala sa oras matapos maproseso ng tuluyan ng utak ko kung sinong limang boy friends ang tinutukoy ni ate. Nawala agad ang antok ko at napabalikwas ako sa kinahihigaan ko. Marinig ko lang ang salitang lima ay alam ko na kung sino-sino ang mga iyon.

"Andito sila ate?!" tanong ko.

"Oo, kanina pa, kaya bumangon ka na diyang tulog mantika ka."


Mas mabilis pa sa alas kwatro akong napabangon at tumakbo papuntang bathroom. Agad akong naghilamos at nagtoothbrush pagkatapos ay kumaripas ng takbo sa baba. Muntik pa nga akong madapa sa hagdanan dahil sa kamamadali ko eh.

"Good morning Mixhee!" five voices greeted in chorus.

Nadatnan ko ang limang lalakeng nakakanya-kanyang pwesto sa sala namin. Aba, feel at home na feel at home sila.

"Anong ginagawa niyo dito?" nakakunot noo kong tanong. Hindi man lang kasi sila nagsasabi na pupunta sila dito.

"Wala man lang good morning?" napanguso si Collosus.

"Wow, ang hot natin ngayon ah--- ARAY!" daing ni Clint sa sakit dahil sa isang kurap lang, apat na kamao ang sabay-sabay na bumatok sa kanya. I just scowled at him, sanay na talaga ako sa tabas ng dila ng lalakeng ito.

"Anong meron, boys? Bakit kayo andito?"

Nagkatinginan ang limang mga lalakeng may makukulay na buhok sa harap ko.

"You've been nagging us the whole week about this reminder, tapos ikaw itong makakalimot," sabi ni Luhan na umagang-umaga pa lang ay may nakasubo na agad na lollipop sa kanyang niya. Galing, ginawang almusal ang lollipop.

I gave them my puzzled looks.

"Sabado ngayon at sabi mo gagawa tayo ng project kay sir di ba?" sabi ni Aki at doon ko lang naalala yung mga araw na kinukulit at paulit-ulit ko pa ngang pinapaalala sa kanila ang tungkol dito.

"Aii oo nga pala!" I exclaimed.

"Someone is being forgetful," sabi ni Ashton na abala sa pagtingin sa mga pictures namin na nakadisplay sa buong sala.

"Sorry, nawala sa isip ko. Teka lang ha? Maliligo lang ako."

"Samahan kita?" tanong ni Clint.

Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon