CHAPTER 25

12.3K 549 221
                                    

Matapos ang araw na iyon, nalaman kong matagal na palang magkakilala si Aki at si Bella. Akala ko, wala lang yung kirot na naramdaman ko noong makita ko silang magkayakap, pero mali ako ng akala dahil sa bawat araw na lumilipas na nakikita ko si Aki at si Bella na magkasama ay unti-unti ko ng napagtatantong may gusto ako sa best friend ko.

Sinubukan ko namang pigilan ang nararamdaman ko para kay Aki pero bigo ako. I should never feel the butterflies in my stomach whenever he smiles, I should never let my heart beat for him. Tignan mo tuloy, nasasaktan ako ngayon. Ilang beses ko ng tinanggi sa sarili ko na wala akong gusto kay Aki, but now what I feel towards my best friend is clear. Hindi naman ako masasaktan kung wala akong nararamdaman para kay Aki eh. Narinig ko pang tinawag niya si Bella na 'my favorite girl' kuno. Akala ko ba ako yun? He even told her the words 'I love you'. Nasa friend zone na lang talaga ako. Sana sa iba na lang ako nagkagusto.

"Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na magkaibigan din pala kayo ni Bella. Ang liit nga talaga ng mundo," Aki said excitedly.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Eto na naman si Aki, siningit na naman si Bella sa usapan namin.

"Ang ganda talaga ni Bella noh? Di ba?"

Walang gana na lang kaming tumango-tango. Guess what? He's been mentioning Bella in front of my face for the past 2 hours.

"She's a beauty," puri na naman niya.

"Bro, we know it. You've been saying that for the millionth time," irap ni Ashton.

"May gusto ka ba kay Bella?" tanong ko kay Aki na ikinatigil niya.

"Oo nga bro, nakakabanas na ha. Kanina ka pa Bella ng Bella. May gusto ka dun noh?" nababagot na tanong ni Clint. Napapahikab na kasi kami sa kapupuri ni Aki sa Bella niya.

May gumuhit na ngiti sa labi ni Aki hanggang sa bigla na lang siyang tumawa. Siya lang ang tumatawa habang kami ay nawiwirduhan na sa kanya.

"Hindi ba obvious bro?" Aki chuckled, "Of course, I do like her."

Napaismid na lang ako, parang sumasakit na kasi ang ulo ko sa topic namin.

"Hindi ka lang ata tinamaan sa puso, tinamaan ka rin sa ulo bro," sabi ni Collosus pero tumawa lang ulit si Aki.

Kinikilig ba siya o ano? Parang ewan eh.

"Mixhee," umusog papalapit sa akin si Aki sabay akbay sa akin, "Alam mong ikaw ang pinaka-cute kong best friend. Ilakad mo naman ako kay Bella."

I bit my lips nang makaramdam ako ng pagkirot sa dibdib ko. So, sa akin pa talaga siya magpapalakad? Just wow, ang sakit.

"Akala ko ba kayo na?" kunot-noo kong tanong. I just saw them hugged each other at madalas ko silang nakikitang magkasama. He even told her 'I love you'.

"Magiging kami pa lang," ngisi niya, "Sige na best friend ko. Tulungan mo na ako."

Hindi ko magets ang label nilang dalawa. Bakit hindi na lang sila magkaaminan? Siya naman siguro ang someone na tinutukoy ni Bella na crush niya. Seriously? Gusto ba ni Aki na saktan ako?

"Best friend ko? Please," nagpuppy eyes pa siya.

Sige Aki, ipamukha mo pa sa akin na best friend mo lang talaga ako.

"Best friend ko?"

Hindi ko mapigilang mapatulala sa ngiti niya. Sana ako na lang ang dahilan ng ngiting yan. Paano ko nga ba matatanggihan si Aki? I don't know how to say no to him even if I am already hurting.

Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon