Abala pa rin ako sa pagmomop ng sahig. Humiram pa talaga sa janitor ng mop para kumintab at malinisan lang itong sahig ng classroom namin. Sabi nga ni kuya janitor siya na lang ang maglilinis pero tumanggi ako. Sinisipag din kasi akong maglinis ngayon.
"Tapos na, whew!" sabi ko habang pinupunasan ang tumutulong pawis sa noo ko.
Pinagmasdan ko ang buong classroom na ngayon ay sobrang linis at ayos na. Matapos ang ilang oras natapos din kami ng boys sa wakas, akala ko nga sa paglilinis lang ng room na ito ang may forever sa sobrang kalat eh. In fairness, noong unang pasok ko rito kanina parang may dumaang bagyo, samantalang ngayon nagmukha na talagang classroom.
It's almost squeaky clean, kaso nga lang may mga vandal pa sa mga pader ng classroom, parang graffiti.
Section ANGAS
Teritoryo ng mga gwapo
Panget si Collosus
Mas panget si Clint
Beware of hot dogs
Halos maduling ako sa kababasa ng mga nakasulat sa pader. Ilan lang yan sa mga kalokohang pinagsusulat ng boys. Iba rin ang trip ng boys ng Section ANGAS eh. Imbes na sa notebook magsulat, sa pader nila gusto. Hindi ko na natanggal ang mga vandal na yan dahil pinigilan ako ng lima. Kanina nga halos mag-away at maghilaan na kaming anim sa basahan. Ayaw kasi nilang ipatanggal yang mga vandal na yan kesyo image daw ng Section ANGAS tyaka para astig. Ewan ko ba sa kanila. Eh dahil nga sa majority wins tapos wala pa akong kakampi, pumayag na lang ako. Pinasa-pasa ba naman yung basahan hanggang sa napagod na lang ako sa kaagaw nun, natuwa pa sila noong nadapa ako ng isang beses sa kahahabol sa kanila.
Hahayaan ko na lang sila sa gusto nila, basta ang importante kahit papaano nagmukhang classroom na itong room namin. Parang design lang naman ang mga vandal nila eh.
Hindi ko maiwasang mapangiti sa maliit na improvement na nangyari ngayon sa section na ito. Okay naman pala ang task na binigay sa akin ng principal eh. Kailangan lang talaga ng patience and determination. Hindi ko tuloy mapigilang mapapalakpak sa tuwa. Mukhang hindi na nangangamoy bagsak ang grade ko sa Gen Math ah, sana magtuloy-tuloy lang ito.
Binabalik ko na ang mga panglinis na ginamit namin nang may bigla akong narinig na humihilik. Napalingon ako at nadatnan ko ang boys na mahimbing na natutulog sa ngayo'y sobrang kintab ng sahig.
"Ang lakas namang humilik ni Clint," kumento ko. Sarap na sarap talaga siya sa tulog.
Sa sobrang abala ko sa paglinis hindi ko namalayang kanina pa pala sila nakatulog sa pagod. Kanya-kanya silang hilata sa sahig, akala mo nakahiga sila sa kama eh. Dapat kasi araw-araw silang naglilinis ng room, hindi yung kailangan munang malipat ako dito bago malinis ito.
"Ang gwapo niyo pa rin kahit tulog kayo. Siguro noong nagpaulan ang Diyos ng kagwapuhan kayo lang ang gising," bulong ko habang pinagmamasdan silang lima, "Ako kasi, mapagising man o tulog mukha pa ring bruha."
Napansin ko ang basang t-shirt ni Collosus. Naku, dapat siya magpalit ng damit dahil matutuyuan siya niyan ng pawis. Hindi pa naman yan maganda sa kalusugan. Lumapit ako sa kanya tyaka ko kinalabit-kalabit ang paa niya para siya magising.
"Psst," bulong ko. "Collosus gising."
"Hmm?"
"Gumising ka," kalabit ko ulit pero ayaw niya pa ring magising kaya inalog-alog ko na ang paa niya, "Uii magpalit ka ng damit, basa ang t-shirt mo baka ka niyan magkasakit, sige ka---
BINABASA MO ANG
Nerd in Section ANGAS
Teen Fiction[Highest Rank Achieved in Teen Fiction: #6 (4/29/18)] [Highest Rank Achieved in Friendship: #1] Isang grade conscious na nerd ang magsisimulang magulo---este mabago ang buhay mula nang malipat siya sa hindi inaasahang pagkakataon sa pinakamaANGAS na...