CHAPTER 4

16.4K 661 113
                                    

"Alam kong gwapo ako, you don't need to drool Mix. Nasa tabi ka pa naman ng grasya," Aki flashed his charm na ngayon ko lang ulit nakita after 7 years, yung malupet niyang killer smirk!

Nag-iwas agad ako ng tingin at mariing napapikit. Anak ng pusang gala! Hindi ko maiwasang titigan siya. Hindi na lang ako magtataka kung kasing pula na ng kamatis ang mukha ko ngayon.

Tanging irap na lang ang nagawa ko. Inabot ko ang baso sa harapan ko at uminom ng malamig na tubig. I cleared my throat. Act normal Mixhee. Kunwari hindi ka naapektuhan sa presensya ni Aki. Dedma lang.

"Yieee! Bess look at our kids! Ang cute nilang tignan di ba?" tili ni Tita Aika.

"OMG! Oo nga bess!" tili rin ni mama, "Sandali picturan natin sila!"

Dali-daling kinuha ni mama ang camera sa bag niya, ganun din si Tita Aika. Ang daming flash ang tumama sa mukha namin ni Aki dahil sa pagpipicture nila.

"Sandaliii bess!" sabi ni tita. Lumapit siya sa amin at nagulat na lang ako nang ipaglapit niya ang upuan namin ni Aki, "Yan! Magdikit kayong dalawa, yieee! Picturan mo na bess!"

*click*

*click*

*click*

"Ngumiti naman kayong dalawa para mas cute kayong tignan," utos ni tita.

"G-ganito po?" awkward akong napangiti.

"Closer!" utos rin ni mama na ayaw paawat sa pagpicture sa amin.

"Mama naman," napanguso ako, "Ayoko---

"Okay."

Laking gulat ko nang hapitin ni Aki ang beywang ko at hinila ako papalapit sa kanya. Hindi rin siya nagdalawang isip na akbayan ako. Nanlalaki ang mga mata kong tinignan ang kamay niyang nakakapit sa balikat ko. Ramdam ko ang init ng palad niyang nagpakabog sa dibdib ko at nagpainit sa pisngi ko.

"A-Aki?" I stuttered.

Nag-angat ako ng tingin sa kanyang may halong pagtataka sa ginawa niya. Bigla niyang linapit ang mukha niya sa mukha ko na mas nagpabilog sa mga mata ko.

"Just go with the flow so we'll get over with this," he whispered. He blew on my face that made me close my eyes. His sweet minty breath is very addicting.

"Kinikilig ako bess!" tili ulit ni tita habang napapapalakpak sa kilig.

"Sa tingin mo ikaw lang bess? Ako rin kaya! Yieee!"

"Smile," sabi ni Aki kaya napangiti rin ako sa harap ng camera ng wala sa oras.

Bago pa man ang huling pagpicture sa amin ni mama, sinandal ni Aki ang kanyang ulo sa akin tyaka may binulong siyang hindi ko man lang naintindihan at narinig ng maayos.

"Perfect!" exclaimed ni mama.

"Ang cute talaga nila bess noh?" nakangiting sabi ni tita habang tinitignan ang mga pictures namin, "Parang kailan lang ang liliit pa nila, ngayon dalaga at binata na ang mga anak natin. Nakakiyak bess!"

"Oo nga bess, pero mas nakakaiyak isipin na ang tanda na natin bess!"

"Hahaha! Oo nga noh, ang tanda na natin. Buti na lang di kumukupas ang ganda natin!" tawa ni tita.

Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon