CHAPTER 50

8.7K 310 120
                                    

Mixhee's POV

Halos langhapin ko na ang lahat ng hangin pati alikabok nang makalabas na ako ng classroom. Buti na lang uwian na. I was like waiting for a century! Gusto ko ng makauwi at makapagpahinga sa bahay. Sana hindi na maulit itong pagiging lutang ko sa klase. Kapag magpatuloy ito, paniguradong bababa ang grades ko at iyon ang ayaw kong mangyari.

Palabas na ako ng campus habang yakap ang libro ko. Dahan-dahan lang akong naglalakad nang mahagip ng mga mata ko ang isang grupo ng mga lalakeng nagkakatuwaan sa baba ng stage. Pinagtutulakan nila ang isang lalakeng matangkad at moreno.

Hindi ko na sana sila papansinin pero natigilan ako nang sabay-sabay silang mapatingin sa gawi ko at nagsipagngisi.

"Ayieeee!" naghiyawan sila at mas lalo nilang pinagtulakan yung lalakeng moreno.

"Lapitan mo na Nicholo!" dinig kong sabi ng naka-headband sa kanila. Lalake siya pero medyo mahaba ang buhok niya.

Kumunot ang noo ko nang mapansin kong sa direksyon ko nila pinagtutulakan yung lalakeng morenong tinawag nilang Nicholo.

"S-sandali! Nakakahiya, tumigil nga kayo!"

"Torpe pala itong si Nico eh!" kantyaw ng pinakamaliit sa grupo.

Naningkit ang mga mata ko. Wait, I remember them. Sila yung nang-trip sa akin noong grade 8 palang ako. I was just passing by the hallway nang patirin ako ng morenong iyon at pinagtawanan nila ako. I was so hurt and embarrassed that time.

"Miss!" tawag ng naka-headband.

Kumabog ang dibdib ko dahil sa akin siya nakatingin at tinuro pa niya ako. Lumingon-lingon ako kung may iba pa bang tao sa paligid pero wala. What is it this time? Aren't they tired of bullying me?

"A-ako?" nag-aalinlangan kong turo sa sarili ko.

"Oo, ikaw nga miss na maganda!" aniya, "Crush ka nitong tropa ko!"

"Ayieee! Hahaha!" lalong naghiyawan ang mga lalake.

"Nakakahiya ka Gavin," the moreno guy groaned.

My face crumpled. Dati lang pinagtatawanan niya ako dahil sa itsura at pagiging lampa ko tapos ngayon gusto na niya ako? Ha! Gusto ko silang tawanan. Do they even know that I'm the nerd who they bullied in junior high school? Tch, manigas sila.

Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad. Palapit na ako sa gate pero nagulat ako nang humarang silang magkakaibigan sa dinaraanan ko at hinarap sa akin yung lalakeng kanina pa nila pinagtutulakan.

"H-hi?" he sheepishly smiled and awkwardly waved.

Nahihiyang napakamot sa ulo ang lalakeng moreno. Hindi rin siya makatingin nang diretso sa akin. I stared at him annoyingly.

"Hello," I nonchalantly said as I raised my eyebrow.

Binalot kami ng panandaliang katahimikan. The guy named Nicholo was like losing his words. Kung hindi lang siya siniko ng maliit niyang kaibigan ay baka tuluyan na siyang natameme.

"Magpakilala ka dude," bulong ng naka-headband.

Nagtama ang mga mata namin at namula ang kanyang pisngi.

"I-I'm Nicholo," naglahad siya ng kamay.

He was not this friendly before. Tss, so kailangan ko pala munang gumanda bago niya ako pakitunguhan nang mabuti.  Napabuntong-hininga na lang ulit ako at tinanggap ang kamay niya. I just want to get over with this para makauwi na ako.

Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon