Mixhee's POV
"Jusmiyo, anong klaseng buhok ito? Nagsha-shampoo ka ba hija?" hindi makapaniwalang tanong ni Marty habang hawak ang buhok kong mala-alambre.
"Opo," tango ko.
"Hindi ka ba nagpapa-salon?"
Kunot-noo lang akong umiling. Ano naman ang gagawin ko sa salon? Wala akong oras para pumunta roon. Mabuti sana kung library yun, baka araw-araw pa akong nandoon o kahit doon na rin ako natulog.
"Marty, kamusta?"
Dumating si Ate Ashley na may bitbit na paper bags. Galing siya sa mall para bumili ng mga damit kasi hindi raw niya nagustuhan yung mga nakahanda na. Masyado raw maiikli para sa akin. Kasi naman, tinipid sa tela yung mga damit. Kapag suotin ko yun, pati kaluluwa ko makikita.
"Well, mukhang mapapasabak tayo sa hair ng junakis mo," napapakamot sa ulo na sabi ni Marty.
"Eh di sumabak kung mapapasabak. Basta gawin mo ang makakaya mo, Marty. Pagandahin mo ang estudyante ko," sabi ni Ate Ashley, "Gusto ko mas maganda pa siya kesa sa akin."
"Yes madam," tango niya, "Mga bakla! Ihanda ang armas!"
Nagtagpo ang kilay ko sa sinabi niyang armas. Ano 'te? Sasabak lang sa gyera? Kung sabagay, mukhang hinagupit nga ng digmaan ang buhok ko.
Kung ano-anong armas--- este gamit ang linabas nila. Hindi ko na alam kung ano ang pinaggagagawa nila sa buhok ko basta ang alam ko ay nababagot na ako. Ilang oras na akong nakaupo lang. Kelan kaya matatapos ito?
Habang inaayos nila ang buhok ko ay may lumapit naman sa aking isa pang bakla na may dalang sinulid. Akmang hahawakan na niya ang kilay ko kaya agad ko siyang pinigilan.
"S-sandali!" sigaw ko sabay takip sa dalawang kilay ko.
"Bakit Mixhee?" tanong ni Ate Ashley.
"W-wag niyo pong tanggalin ang kilay ko. Minana ko pa 'to sa lolo ko," akmang tatayo na ako pero pinigilan nila ako.
Hindi pa nila tapos gawan ng kung ano-anong ritwal ang buhok ko tapos ngayon, yung kilay ko naman ang pagdidiskitahan nila. Aba, wag nilang galawin 'to. Mabuti sana kung katulad ako nila Stacey na alam mag-drawing ng kilay.
"Mixhee," natawa si Ate Ashley, "Hindi tatanggalin ang kilay mo. Babawasan at aayusin lang yan."
"Baka po masakit yan?"
"Hindi Mix. Parang kagat lang ng langgam."
Napangiwi lamang ako at napatingin sa sinulid na hawak ng nag-aayos sa akin. Paano pala niyan maayos ang kilay ko? Tyaka, parang kagat lang daw ng langgam? Weh? Mula pa noong bata ako yan na ang sinasabi sa akin pero masakit naman talaga.
"Sige, simulan mo na," utos ni Ate Ashley.
A-aray!"
Halos maiyak ako sa sakit nang simulan ng galawin ang kilay ko. Ilang beses akong napatayo sa sakit. Anong klaseng pagpapaganda 'to? Parang tino-torture ako!
"Tiis-ganda Mix. Ganyan talaga yan," sabi Ate Ashley na hinahawakan ang kamay kong pilit kumakawala para pigilan ko ang ginagawa nila sa akin, "Isipin mo na lang na para 'to sa mataas mong grade sa PETA."
"Parang gusto ko na lang bumagsak--- aray!" hiyaw ko.
Napapanguso na lamang ako matapos ang halos kalahating minutong pasakit na iyon. Jusme, ang sakit gumanda! Maganda naman si Ate Leian at Ate Ashley pero bakit parang hindi naman nila ito pinagdaanan?
BINABASA MO ANG
Nerd in Section ANGAS
Teen Fiction[Highest Rank Achieved in Teen Fiction: #6 (4/29/18)] [Highest Rank Achieved in Friendship: #1] Isang grade conscious na nerd ang magsisimulang magulo---este mabago ang buhay mula nang malipat siya sa hindi inaasahang pagkakataon sa pinakamaANGAS na...
