CHAPTER 56

4.6K 180 172
                                    

Sumapit na ang pinakainaabangang opening ng Inter High at ang mga estudyante ay hindi na magkamayaw sa tuwa at excitement. Napuno ang school namin ng makukulay na banderetas at lobo. May malaki pang stage sa gitna ng quadrangle kung saan nagmumula ang nakaka-hype na tugtog. Hindi nagtagal ay isa-isa ng nagdatingan ang mga dayong estudyanteng handang-handa ng itaas ang bandera ng kani-kanilang paaralan. Masaya naman silang sinalubong at pinaunlakan ng marching band at band majorette ng school namin. Talaga ngang pinaghandaan ang event na ito.


May parade ng mga athlete mamaya sa quadrangle at kasali ang muse ng bawat school para humawak ng banners. Katatapos ko lang ayusan at bihisan para sa gaganaping parade. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Ewan ko ba kung bakit kinakabahan ako, eh hindi pa naman Mr. & Ms. Inter High. Hahawak lang naman ako ng banner habang nakangiting naglalakad mamaya. Palibhasa, hindi ako sanay sa ganito. Parang mas gusto ko na nga lang mag long test sa Chemistry eh.


"Are you sure about this?" tanong ko habang pinagmamasdan ang repleksyon ko sa salamin.


"Of course! You're gorgeous!" Solar, the student council secretary who was in charge of my hair and make up squeeked.


Nagustuhan ko naman ang make up ko dahil hindi mabigat sa mukha, parang natural lang. However, hindi ako sigurado sa damit ko. My outfit is cute, but it's showing too much of my skin, which is definitely my style. I'm currently wearing a fitted cropped top and a high waist plaid mini skirt paired with boots.


"Wag kang mag-alala, Mixhee. For sure, kahit sina Collosus na kanina pa naghihintay sa'yo sa labas ay matutuwa pag makita ka nila," Solar assured.



"Andito sila?!"



Namilog ang mga mata ko at napatayo ako nang tuwid nang wala sa oras. Ano'ng ginagawa ng boys dito? I thought nasa quadrangle na sila!


"Yup, kaya let's go bago pa sila mainip," she chuckled.


"Sandali---



Bago pa man ako makapag-react ay hinila na ako ni Solar palabas ng bakanteng classroom na pinag-ayusan ko. Nang bumukas ang pinto ay nadatnan ko ang mga lalakeng may makukulay na buhok na nagkakatuwaan. Nakaupo at nakapabilog silang lima sa sahig. They're all wearing their jersey and I can't help smiling because I find them cute together, para silang mga krayolang nakabalanra sa hallway. Subalit, kumunot ang noo ko nang mapansin kong kaya pala sila nagkakatuwaan ay dahil naglalaro sila ng jackstone. Seriously, boys? Jackstone? Aba, sa mismong opening pa talaga ng Inter High nila naisipang maglaro ng jackstone sa gitna ng hallway. Dapat nga ay nasa quadrangle na sila dahil mga athlete sila.


"Boys, here's your muse!" nakakabulabog na sigaw ni Solar na gumulat sa kanilang lima, "She's gorgeous, isn't she?"


I stiffly stood when they slowly turned their heads to me as if it was a slow motion in a K-drama. Nang makita nila ako ay agad silang napatigil sa kanilang ginagawa. Hindi na nga nasalo ni Luhan ang bola kaya nagpatalbog-talbog na lamang iyon palayo. Parang naging robot ang katawan ko nang nagpapakurap-kurap na pinasadahan nila ako ng tingin mula ulo hanggang pa. Binalot kami ng katahimikan at hindi ko magawang mabasa ang tumatakbo sa mga isip nila. Na-conscious tuloy ako. Nagustuhan ba nila o hindi lang nila masabing hindi? I suddenly feel nervous and anxious. I think I want to vomit.


"M-may mali ba?" I nervously asked, "Bakit ayaw niyong magsalita?"


Nagkatinginan silang lima at nang bumalik ang kanilang tingin sa akin ay unti-unting gumuhit ang ngiti sa kanilang mga labi. Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag. They smiled. It's a good sign, isn't it?


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon