"Hindi ka pa rin nagbabago."
Napakunot ang noo ko sa sinabi ng lalakeng kung makatingin sa akin ay para bang magkakilala kami.
"Huh? Kilala ba kita?" tanong ko.
"I'm Tim---
"Hoy Tim!" sigaw ni Aki, "Lumayo ka nga sa kanya! Ang lapit mo masyado!"
Biglang napabusangot ang kaharap ko nang tawagin siya ni Aki. Napairap siya at may binulong na hindi ko man lang narinig.
"Boyfriend mo ba yang si Ishuaquin?" tanong niya sa akin na nagpailing sa akin ng di lang limang beses.
"Anong boyfriend? Hindi ah! Hindi ko na nga yan kaibigan, boyfriend pa kaya," napapairap kong sagot, "Tyaka di ko yan type, mukhang bubble gum ang ulo."
"Hahaha--- pfft!" tawa ni Clint kaya siniko agad siya ni Luhan para siya patigilin.
Namilog ang mga mata at napaawang ang bibig ni Tim. Bakas ang gulat sa kanyang mukha. Sandali siyang natigilan na para bang mayroon siyang iniisip hanggang sa unti-unti na namang gumuhit ang pilyong ngiti sa kanyang labi.
"Wala nga talagang forever," he chuckled, "Everything changes and comes to an end at a time."
"Anong pinagsasasabi mo?" tanong ko ulit.
Nalukot ang mukha ko sa mga pinagsasasabi niya, naguguluhan ako. Kung kausapin niya ako ay para bang magkakilala talaga kami. Tinignan ko ng maigi ang kanyang mukha. Sinubukan ko siyang pamilyarin subalit wala talaga akong kaide-ideya sa kung sino itong lalakeng ito.
"Mixhee---
"Stop bro. Don't be stupid," pinigilan ni Ashton si Collosus sa pagtangkang paglapit sa akin.
"Labas siya rito Tim," sabi ni Collosus na bakas ang pag-aalala niya.
"Hawakan niyo siya," utos ni Tim sa kasama niya.
Agad akong hinawakan ng mga kasama niya. Di na nawala ang kabang nararamdaman ko lalo na nang makita ko ang bilang ng mga lalakeng pumalibot sa akin.
"Pakawalan niyo na ako. Gusto ko ng umuwi," sabi ko kay Tim subalit hindi niya ako pinansin o tinapunan man lang ng tingin.
Nakapamulsang hinarap ni Tim sila Collosus.
"Hindi na siya labas dito Collosus. Nakapasok siya sa lugar na ito kaya damay na siya ngayon," sabi ni Tim. Kumuyom ang kamao at nangngitngit ang ngipin ng boys na parang gigil na gigil na sila kay Tim.
"Ano ba ang meron? Pakawalan niyo na lang ako please. Magrereview pa ako tapos may assignment pa akong gagawin, nasasayang oras ko rito," pagpupumiglas ko. Dapat kasi hindi na lang ako pumunta rito. Ito ba yung sinasabi ni Aki na madadamay ako sa mga kalokohan nila kaya gusto niya akong umalis sa Section ANGAS?
May lumapit na lalake kay Tim at may binulong siya sa kanya. Namilog ang mga mata ni Tim at agad siyang napatingin sa akin.
"Kaklase mo na pala sila Ishuaquin sa Section ANGAS," Tim smirked.
"O-oo, ano naman ngayon?" nagtatapang-tapangan kong sagot. Sa totoo lang, kabang-kaba na ako sa mga susunod na mangyayari.
![](https://img.wattpad.com/cover/126233020-288-k403745.jpg)
BINABASA MO ANG
Nerd in Section ANGAS
Teen Fiction[Highest Rank Achieved in Teen Fiction: #6 (4/29/18)] [Highest Rank Achieved in Friendship: #1] Isang grade conscious na nerd ang magsisimulang magulo---este mabago ang buhay mula nang malipat siya sa hindi inaasahang pagkakataon sa pinakamaANGAS na...