CHAPTER 16

14.7K 580 138
                                        

Hanggang sa pagdating namin ni Ashton sa clinic ay hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko, matigas daw kasi ang ulo ko at baka takasan ko lang daw siya.

"Wala ba ang school nurse dito?" tanong ko.

"Do you see someone else here besides us?" tanong niya rin sa akin.

"Wala."

"Then that answers your question."

Tumikhim na lamang ako sa sinagot sa akin ni Ashton. Sa pamamalagi ko sa Section ANGASA, bukod sa hindi palasalita at madalas nakasimangot si Ashton, napansin ko ring ayaw niya sa mga taong walang common sense. Hinding-hindi ka niya kakausapin kung wala namang saysay ang pinagkwekwento mo gaya na lang ni Clint, in short, ayaw niyang magsayang ng laway. Ayaw niyang tatanungin mo pa siya kahit na obvious naman na ang sagot. Ayaw niya ring kinukulit siya.

Sa kanilang lima, kay Ashton ako nahihirapan makipagclose. Parang ayaw niya rin naman kasing makipagclose sa akin. Sa tuwing lalapit ako sa kanya para ko siya kausapin, madalas ay lalayo siya sa akin, pero may mga araw din naman na mabait siya sa akin. Gaya na lang ngayon, nagpapakita siya ng concern. Ewan ko ba kay Ashton, hindi ko makabisado ang timpla niya. Bipolar ata itong lalakeng ito eh.

Naupo ako sa infirmary bed habang pinagmamasdan si Ashton na may hinahalungkat sa isang cabinet.

"This won't hurt," aniya habang bitbit ang alcohol at bulak mula sa cabinet.

Tumabi siya sa akin at sinimulang basain ang bulak ng alcohol. Akmang ilalapat na niya iyon sa aking pisngi nang pigilan ko siya.

"S-sandali," I stuttered, "Mahapdi yan."

Nagtagpo ang dalawang kilay ni Ashton.

"I said this won't hurt."

"Aii naku Ashton, mula pa noong bata ako ay yan na ang sinasabi ni mama sa akin sa tuwing gagamutin niya ang sugat ko kaya hindi mo na ako mauuto. Ayoko, mahapdi," iiling-iling kong sabi habang linalayo ang kamay ni Ashton sa akin.

Kinunutan lang ako ng noo ni Ashton. Hindi pasensyoso ang lalakeng ito kaya anytime maiinis na siya sa akin. Napabuntong-hininga na lamang ako at pumayag. As if naman may magagawa pa ako para tumanggi. Si Ashton ang kaharap ko and as far as I know, siya lagi ang tama at masusunod.

Napapikit na lamang ako sa naramdaman kong hapdi nang lumapat ang basang bulak na iyon sa kalmot sa mukha ko. Humigpit ang kapit ko sa unan at napakagat na lang ako ng labi habang pinipigilan ang sarili kong humiyaw sa hapdi.

Muling dinampi ni Ashton ang basang bulak sa kalmot ko at sa pagkakataong  ito ay walang habas niyang piniga iyon.

"Arayyy!"

"S-soryy, Mix!" sabi ni Ashton na nataranta sa pagdaing ko, "Stay still."

Para akong uod na binudburan ng asin, hindi ako mapakali sa kinauupuan ko dahil sa hapdi. Ihahampas ko na sana yung unan kay Ashton nang hawakan niya ang magkabilang braso ko para patigilin ako. When I turned my head to him, namilog ang mga mata ko nang bumungad sa akin ang papalapit na mukha niya sa mukha ko.

Hahalikan niya ba ako? Hindi agad ano nakaimik. Napapikit na lamang ako nang ilang sentimetro na lamang ang agwat ng mga mukha namin.

"Wag ang first kiss ko, please!" pakiusap ko, subalit imbes na labi ni Ashton ang maramdaman kong lumapat sa labi ko, mainit na hininga ang umihip sa pisngi kong nagpawala sa hapdi ng sugat ko.

Agad akong napamulat at sinalubong ang mga mata ni Ashton na kumukurap-kurap habang nakaawang ang kanyang bibig. Maya-maya ay may pilyong ngiti ang gumuhit sa kanyang labi.

Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon