CHAPTER 32

11.5K 533 268
                                    

"Pffft! Hahaha! Gusto mo akong maging girlfriend?"

Humagalpak ako sa tawa habang napapahampas pa ako kay Ashton. Sa sobrang pagtawa ko ay sumakit na ang tiyan ko at may namuo pang luha sa mga mata ko. Ito naman kasing si Abo, bigla-bigla na lang nagbibiro.

"Uii Abo, tumawa ka naman. HAHAHA!"

Tawa lang ako ng tawa subalit nanatili lang seryoso si Ashton habang nakatingin sa akin. Yung driver at body guard naman na napagkamalan kong kidnappers kanina ay napakamot na sa kanilang ulo.

"I'm dead serious here," sabi ni Ashton habang naka-poker face.

"Wehhh," I chuckled.

Tinaas-baba ko pa ang kilay ko at sinundot-sundot ang pisngi niya pero hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

"Hehe, s-seryoso nga siya," bulong ko habang napapakamot sa aking ulo.

"Mixhee, seriously, I want you to be my girlfriend," walang pag-aatubili niyang sabi.

"Hoy Abo, nakakailang hithit ka na ba kaya kung anu-ano na ang pinagsasasabi mo ha? Nagha-hallucinate ka ba? Mukha ba akong si Liza Soberano sa hallucination mo kaya gusto mo akong maging girlfriend?"

"Seryoso nga ako," naiinis nang sabi ni Ashton. Napasuklay pa siya sa buhok niya which means naiinis na nga talaga siya, "Grandpa is going to arrange me with the-hell-I-barely-know for a marriage. He's crazy!"

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Auhhh! Okay gets ko na! So kaya pala kanina pa siya hindi mapakali sa kinauupuan niya.

"What? Hindi ba masyado pang maaga para ka ikasal?" nagtagpo ang kilay ko.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Bakit naman kaya gustong ipakasal agad ni Chairman Frost ang apo niya sa lalong madaling panahon?

"I know," ismid niya, "Arranged marriage sucks. Isusumpa ko kung sino man ang nagpauso niyan. Tch."

"Uii, kumalma ka nga," tapik ko sa kanya.

Natigilan siya sa ginawa ko at muling napadako ang tingin niya sa akin. Nginitian ko siya para naman gumaan ang pakiramdam niya. Magkaka-wrinkles siya niyan eh. I heard him sigh. Mukhang seryoso nga ang problema na 'to sa kanya.

"Hindi ba pwedeng sabihin mo na lang kay Chairman Frost na ayaw mo?"

Umiling siya.

"In our family, arranged marriage is inevitable. I just need an excuse to delay it," napasandal siya at napahinga ng malalim.

"Ganun ba?" yun na lang ang nasabi ko. Ang hirap naman ng sitwasyon niya. How can he marry someone he barely know?

"Yeah," tipid niyang sagot.

Ipiniling niya ang kanyang ulo sa direksiyon ko hanggang sa magtama ang mga mata namin. He just stared at me for the whole moment without saying a word. Parang may gustong sabihin ang mga mata niya na hindi kayang masabi ng kanyang bibig. Bakit ganyan siya makatitig sa akin? Parang naiilang na tuloy ako. Ika nga ng pambansang tanong sa ganitong eksena, may dumi ba sa mukha ko?

"P-pumayag ka na lang kaya? Pwede mo namang turuan ang puso mong mahalin siya eh." I stuttered. Nag-iwas na rin ako ng tingin, feeling ko kasi matutunaw na ako sa titig ni Ashton.

"How can I teach my heart when someone already stole it?" he chuckled that got my attention again.

"Someone stole your heart?"

Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon