Aki's POV
"Thank you Aki!"
Yinakap ako sa tuwa ni Bella. I hugged her back. Hindi ko maiwasang mapangiti at matuwa dahil napasaya ko ang babaeng gusto ko.
"You're welcome---
*sob*
Natigilan ako nang makarinig ako ng mahinang paghikbi. Agad akong napalingon at laking gulat ko nang makita ko si Mixhee na nakatitig lang sa amin ni Bella. Para akong binuhusan ng yelo habang nakikita ko ang best friend kong umiiyak.
Nakatayo naman sa likod niya si Ashton na sobrang talim ng tingin sa akin. Agad akong kumalas sa pagkakayakap ko kay Bella na ikinapagtaka niya. Bago pa man ako makagalaw ay hinila na ni Ashton si Mixhee palayo sa rooftop na ito.
"Shit," I cussed.
Nakalimutan ko si Mixhee. Nawala sa isip ko na hinihintay niya pala ako. Sabi ko pa naman sa kanya na may bibilhin lang ako pero heto ako naabutan niya rito.
"Mixhee---
"Aki!"
Hinawakan ni Bella ang kamay ko para niya ako pigilan. Napatitig ako sa kanya nang ilang segundo. Ayaw ko siyang iwang mag-isa rito, pero mas ayaw ko namang pabayaan na lang ang best friend ko na umiyak ng dahil sa akin.
"Sorry Bella pero mas kailangan ako ngayon ng best friend ko. Babalikan kita, pangako."
Yinakap ko muna si Bella bago ko inalis ang kanyang kamay sa akin. Lagi naman niya akong nakakasama tyaka kaibigan niya rin ang best friend ko kaya sana maintindihan niyang kailangan kong puntahan ngayon si Mixhee.
Kita ko ang pagkabigla at pagkadismaya sa mukha ni Bella pero hindi ko na iyon pinansin pa. Tumakbo na ako palabas ng rooftop. Bawat hakbang ko ay kasabay ng pagkabog ng dibdib ko. Kailangan kong makausap si Mixhee.
Wala akong tigil sa pagtakbo hanggang sa napadpad na ako sa hallway. Hingal na hingal kong linibot ang paningin ko sa buong paligid. Nahagip ng mga mata ko sila Mixhee at Ashton na nakatayo sa di kalayuan. Hinila at yinakap ni Ashton si Mixhee na ikinaawang ng bibig ko. Wala pa rin tigil sa pag-iyak si Mixhee, rinig ko hanggang dito sa kinatatayuan ko ang paghikbi niya. Best friend ko siya, hindi ko dapat siya hinahayaang umiyak. Kailangan ko siyang malapitan, kailangan ko siyang makausap.
"Kung nasasaktan ka na, itigil mo na."
Napahinto ako sa paghakbang nang marinig ko ang mga salitang iyon mula kay Ashton.
"Alam mo ba kung bakit ka nasasaktan ngayon?" Ashton asked, "Kasi minamahal mo yung taong nakalaan para sa iba."
Marahan niyang pinunasan ang luha sa pisngi ni Mixhee.
"There's still a guy who deserves more of your love."
Napaawang ang bibig ko sa mga sinabi ni Ashton. Bumilis ang tibok ng puso ko. Tama ba ang pagkakaintindi ko? May pagtingin sa akin si Mixhee? My best friend loves me? Napakuyom at napatungo ako. How coud I not know that all this time? Kung alam ko lang eh di sana . . .
"Mixhee," tawag ko.
Dahan-dahan lumingon sa akin si Mixhee. Para akong sinaksak nang ilang beses nang magtagpo ang mga mata namin. I can see pain and sadness in her eyes. What makes me feel bad is that I am the reason behind those tears. I feel guilty and sorry. Gusto kong punasan ang mga luhang iyon. I want to make her feel better.
![](https://img.wattpad.com/cover/126233020-288-k403745.jpg)
BINABASA MO ANG
Nerd in Section ANGAS
Teen Fiction[Highest Rank Achieved in Teen Fiction: #6 (4/29/18)] [Highest Rank Achieved in Friendship: #1] Isang grade conscious na nerd ang magsisimulang magulo---este mabago ang buhay mula nang malipat siya sa hindi inaasahang pagkakataon sa pinakamaANGAS na...