CHAPTER 15

15K 642 104
                                    

"Kyaaahhhhhhhhhh!"



Halos mabingi ako sa dagundong ng tilian sa labas. Rinig na rinig talaga ang ingay dito sa loob ng classroom. Hindi ko na kailangang makiisyoso para malaman kung ano ang nangyayari sa labas dahil alam ko na kung ano ang ugat ng kaguluhan na yun. Kapag may tilian, for sure the boys are around.



"Andito na sila girls! Kyaahhh!"



"Ayun si Collosus! Baby boy! Notice me!"



"Ishuaquinnnn! Kyaaahhhh! Akin ka lang!"



"Ashton my labs!! You're so hot, my gosh!"



"Luhan!! Oppa, saranghaeeeee!"



"Oh my goshh! Nahawakan ko ang buhok ni Clint! Kyaaahhh!"



*BLAGGG*



Napalingon ako sa biglang pagbukas ng pinto. As what I'm expecting, andito na nga ang boys. Dali-dali nilang sinara at nilock ang pinto. Hingal na hingal at pinagpapawisan sila na para bang dumaan sila sa isang gyera.



"Anong nahawakan ang buhok ko!? Sinabunutan niya kamo! Waahh, yung gwapo kong buhok," kinuha ni Clint ang kanyang salamin sa bulsa tyaka niya sinuklay ang kanyang magulong blond na buhok.



"Parang ayaw lang nila akong hubaran, gusto rin nila akong balatan," sabi ni Collosus na napapadaing sa pamumula ng kanyang balat.



"Aish! Not cool, that was a wild horde of crazy girls out there," ismid ni Ashton habang inaayos niya ang kanyang necktie.



"Yung lollipop ko nga hinablot! Akala ko masasama rin yung ngipin ko, ang sakit!" Luhan pouted.



"Dapat pala nagpalate na lang tayo," sabi ni Aki na sinang-ayunan naman nila Ashton.



"I guess ito na ang karma ng pagiging gwapo natin bro," iiling-iling na sabi ni Clint.



Hindi ko alam kung matatawa o maaawa ako sa kanilang lima. Halos magkandapunit-punit na ang mga damit nilang gusot na gusot.



"Good morning boys!" bati kong umagaw sa kanilang atensyon.



"Andito ka na pala Mix," sabi ni Collosus na halatang hindi nakapansin sa presensya ko kanina, "Good morning din."



"Bakit ka pala hindi sumabay sa amin nila Kuya Iggy at Ate Leian sa pagpasok, Mix?" tanong ni Aki lumapit sa akin para marahang guluhin ang buhok ko.



"Kailangan ko kasing pumasok nang maaga para matapos at mapasa ko ngayong araw yung inutos sa akin ng adviser natin," paliwanag ko.


"Mix, kahit anong mangyari wag na wag kang tutulad sa mga baliw na babaeng yun sa labas ha?" pagmamakaawa ni Clint.



Natatawang tumango na lamang ako. Ang hirap pala pag sobrang ganda o gwapo mo noh? Pinagkakaguluhan ka. Ganyang ganyang din si Ate Leian katulad nila Aki eh. Buti na lang hindi ako kagandahan, at least malayo ako sa pandudumog.



Lumapit sa akin si Luhan at kinalabit-kalabit niya ako.



"Mixhee pabukas please," inabot niya sa akin ang bagong lollipop niya.



"Teka nga bro, ano ka bata? Alam mo namang magbukas niyan eh," pambabara ni Collosus.



"Kaya nga, nagpapacute ka lang kay Mixhee eh," dagdag ni Aki.



Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon