CHAPTER 45

11.2K 456 133
                                    

"A-ang sakit," himas ko sa maliit kong bukol sa ulo.

Kagigising ko palang pero napadaing na agad ako sa sakit. Anak ng pusang gala, ang gandang pamungad naman nito sa umaga.

"Sorry talaga, Mix!" Ate Leian pouted.

Napabuntong-hininga ako at umikot na lang ang mga mata ko nang maalala ko ang nangyari sa akin kagabi pagkauwi ko sa bahay.




Flashback


Matapos kaming mag-dinner ng boys sa penthouse ni Ashton ay hinatid na nila ako pauwi lulan ng kotse.

"Bye Mix!" paalam ng boys.

"Ingat kayo pauwi, bye!" kaway ko rin.

"Goodnight gorgeous," Ashton winked bago sila umalis.

Pumasok na ako sa bahay dala ang mga paper bags na naglalaman ng mga damit na pinamili ni Ate Ashley para sa akin na susuotin ko.

"Mama, Ate Leian andito na po ako," tawag ko sa kanila pero walang sumagot. Nasa garden ata sila kaya di nila ako narinig.

Hindi ko na muna hinanap sila mama at dumiretso na ako sa kwarto ko para malagay ko na itong mga dala ko. Gusto ko na rin talagang magbihis dahil kanina pa ako nangangati sa suot kong damit.

"S-sino ka?!"

Papasok na sana ako sa kwarto ko nang matigilan ako sa pagbukas ng pinto dahil sa matinis na boses ni Ate Leian.

"Wag kang gagalaw!" sigaw ni Ate Leian mula sa likod ko, "Anong gagawin mo sa kwarto ng kapatid ko?!"

Nagtagpo ang kilay ko. Bakit naman ako hindi gagalaw? Tyaka bakit, hindi niya ba ako kapatid? Anong drama na naman ba ito ni ate?

"Mang-aakyat-bahay ka na nga lang nakapalda ka pa! Gosh!" she exclaimed, "At may sense of fashion ka pa talagang burglar ka! Saan mo nabili yang damit mo?!"

Halos magdugtong na ang kilay ko dahil sa mga pinagsasasabi ni Ate Leian. Akyat-bahay? Ako?

"Ano'ng pinagsasasabi mo Ate Leian?" naguguluhan kong tanong.

Akmang lilingunin ko na siya pero bigla na naman siyang nagtitili na halos bumasag sa eardrums ko. Jusme, pwede maging fire alarm itong kapatid ko!

"Wahhhh! Oh my gosh, don't move! Help, may akyat-bahay! Help! Mama!"

I sighed and rolled my eyes when I finally got what's happening. Come on, don't tell me hindi ako nakilala ng sarili kong kapatid?

"Ate Leian, ako 'to! Si---




*BOOGSHHH*




Bago pa man ako tuluyang makaharap kay Ate Leian, biglang may sumapol sa ulo ko na isang makapal na dictionary. Sa lakas pa ng impak nun sa akin ay natumba at nahilo ako.

"Anong nangyayari diyan, nak?" sigaw ni mama mula sa baba.

Binato lang naman po ako ng asintado niyong anak, mama. Anak ng pusang gala, magkakabukol pa ata ako!

"A-aray," napadaing at napasapo na lamang ako sa ulo.

"Mama, I hit the burglar!" sigaw rin ni ate.

"Burglar?!"

"Yes mama! Come here, dali!"

Natatarantang nagtitili at nagtatalon si Ate Leian. Hindi siya mapakali samantalang ako ay nakahilata sa sahig at hilong-hilo na. Lumapit sa akin si Ate Leian at inilawan niya ng flashlight ang pagmumukha ko.

Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon