*Ringgggggg*
I just got back to my senses when the bell rang. Time na kaya kailangan ko ng pumasok. Baka maabutan pa ako dito sa labas ng disciplinary officer. Hahawakan ko na sana ang doorknob kaso natigilan ako. Nag-aalanganin akong pumasok dahil sa gulong nangyayari sa loob.
"Kaya ko ba talaga 'to?" I sighed.
Tinalikuran ko ang pinto at mariing napapikit. Kapag umaaligid nga lang ang boys ng special class sa cafeteria at andun din ako gumugulo na ang mundo ko, ano pa ngayong magiging kaklase ko na sila? Baka gumuho na ang mundo ko.
Aatras na sana ako sa special task na ito nang maalala ko na naman ang kulay pulang 74 na grade ko sa Gen Math.
That won't make you an honor student anymore Miss Salvador.
Nag-echo bigla sa isip ko ang sinabing iyon ni miss principal sa akin.
"Hindi. Hindi ako pwedeng umayaw sa special task na ito." sabi ko tyaka ko hinarap ang pinto ng classroom ng special class.
Di bale ng gumulo ang mundo ko sa section na ito basta ang mahalaga ay maging isang honor student ako at the end of the day, dahil kapag mabigo ako at manatili ang bagsak na grade ko sa card ko, iyon talaga ang ikakaguho ng mundo ko. Ayokong madisappoint sa akin si mama at mas lalong ayokong masayang ang pagod at sakripisyo niya para lang ako mapag-aral sa isang magandang paaralan.
Naagaw ng pansin ko ang dalawang salitang nakavandal sa may pinto. Nakasulat ang mga iyon sa malalaki at makakapal na titik na tila nagbabanta sa mga bawat napapadaan dito.
"Section ANGAS?" basa ko roon.
Lumapit pa ako sa pinto para pagmasdan ang dalawang salitang iyon.
"So Section ANGAS pala ang tawag sa section niyo," bulong ko habang isa-isang iniisip ang limang boys na may kanya-kanyang kulay ng buhok.
Isa akong nerd na magiging parte na ng Section ANGAS, kaya dapat lakasan ko ang loob ko.
"Kaya ko 'to," huminga ako ng malalim at hinigpitan ang hawak sa bag ko, "I, Mixhee Claire Salvador, isang grade conscious na nerd, will enter hell for the sake of my grade at para maging isang honor student."
Bago ko naisipang pumasok, inayos ko muna ang makapal kong salamin. Pagkabukas ko ng pinto, higit pa sa ineexpect ko ang bumungad sa akin.
"Hoy Clint! Feeling gwapo! Hahahaha!" tawa ni Collosus. Binato niya ng notebook ang lalakeng may blond na buhok.
"Collosus?" bulong ko sabay kunot ng noo ko.
Hindi tumitigil si Collosus sa kakabato ng mga notebook sa kaibigan niyang nagagawa namang makailag. Tawanan sila ng tawanan.
"Pffft! Yan lang ang kaya mo Collosus? Tsk, so weak bro! Bleeee!" asar ng blond na lalakeng tinawag na Clint ni Collosus. Kinuha niya ang walis na nasa tabi niya at ginawa iyong espada na ewan. Ilag ng ilag naman si Collosus sa mga palo niya, "Mas gwapo ako sa'yo!"
"Wow! Ang hangin mong bakla ka ha! Nahiya naman ako sa buhok mong parang mais! Pfft! Hahahaha--- ARAY!" tawa ng tawa si Collosus nang bigla siyang mapalo ng walis ni Clint
"WAHAHAHAHA! Ang dami kasing dada!"
"Hoy Luhan! Pagtatawanan mo na lang ba ako ha? Tulungan mo nga ako rito! Akala ko ba kakampi kita?" tawag ni Collosus sa lalakeng may pink na buhok at may subong lollipop. Naka-upo lang siya sa ibabaw teacher's table habang pinagtatawanan sila Collosus at Clint.
BINABASA MO ANG
Nerd in Section ANGAS
Teen Fiction[Highest Rank Achieved in Teen Fiction: #6 (4/29/18)] [Highest Rank Achieved in Friendship: #1] Isang grade conscious na nerd ang magsisimulang magulo---este mabago ang buhay mula nang malipat siya sa hindi inaasahang pagkakataon sa pinakamaANGAS na...