CHAPTER 39

12K 493 115
                                    

Kasalukuyan akong nakahilata sa higaan ko habang nakatitig sa kisame. Kakauwi ko lang galing school. Hinatid ako ni Ashton pauwi pagkatapos ay bumalik din agad siya sa school para humabol sa practice nila sa basketball.

Humigpit ang yakap ko sa stuffed toy na Pikachu na bigay sa akin ni Ashton. Di ko mapigilang mapangiti nang sumagi na naman sa isip ko ang lalakeng may kulay abong buhok.

I'm no beauty queen. I'm just a grade conscious nerd na hindi kapansin-pansin. I never thought a guy with ash-colored hair would like me and see a pretty girl behind my thick eyeglasses.

"MIXHEE!"

I was daydreaming nang biglang pumasok sa kwarto ko si Ate Leian. She's still in her uniform, mukhang kauuwi niya lang galing sa school.

"Totoo ba?" she asked as she jumped on my bed kaya napabalikwas ako sa kinahihigaan ko.

"Ang ano ate?"

Agad kong tinago sa likod ko si Pikachu at ang rosas na bigay sa akin ni Abo. Kukulitin na naman ako ni ate tungkol kay Ashton. Wala pa naman akong ganang magkwento dahil hanggang ngayon, I'm still overwhelmed sa mga nangyari at hindi pa nga lubusang nagsi-sink in sa isipan ko ang lahat.

"Ikaw daw ang muse ng basketball team ng school? OMG!" tili niya.

Napabuntong-hininga ako at napakamot sa aking ulo. Muntik ko ng makalimutan ang tungkol sa bagay na yun.

"Unfortunately, yes," I rolled my eyes.

Namilog ang mga mata ko nang magtatalon sa tuwa si Ate Leian at yinakap-yakap ako. Natabingi tuloy ang salamin ko dahil sa likot niya.

"This is so exciting! My sister is a muse! Oh my gosh! I'm so happy!"

Napangiwi ako kay Ate Leian.

"Parang sinabi mo lang din na masaya kang mapapahiya ako sa interschool," I sighed, "Parang gusto ko na nga lang umatras sa pagiging muse ate eh."

Natigilan si Ate Leian sa pagdiwang at pinaningkitan niya ako ng mga mata.

"Bakit ka naman aatras?" she raised her eyebrow.

"Ate, ikumpara mo naman ako sa mga naging muse ng school natin. Last year, si Stacey Montero ang muse ng basketball team. Oo, mas makapal pa sa dictionary kung mag-make up yun pero hindi ko mapagkakailang maganda rin naman siya," I frowned, "Wala akong binatbat. Pagtatawanan at ibu-bully lang ulit ako ng mga schoolmates natin."

"Yan ang problema sa'yo Mixhee. Wala pa ngang sinasabi ang mga tao tungkol sa'yo pero pinapangunahan mo na. Paano mo nasabing wala kang binatbat kung hindi mo pa naman sinusubukan?"

Nag-iwas ako ng tingin.

"Kasi hindi naman maganda, matangkad, o kasing kinis at puti mo," I averted my gaze.

"Sa'yo pa mismo nanggagaling yung mga panlalait mo sa sarili mo," Ate Leian sighed, "Kaya ka binu-bully kasi hinahayaan mo silang i-bully ka and they thought it's fine with you."

"Kasi ate totoo naman ang sinasabi nila," napatungo ako, "I'm just a nerd."

"You're not just a nerd, sis. You're more than that."

How can my sister see myself being more than just a nerd? Eh ako nga hindi ko makita iyon.

"Don't let those bullies' opinions define who you are, Mix," aniya, "Step up. Patunayan mo sa kanilang mali sila."

Napabuntong-hininga na lamang ako. Sana madali lang gawin ang sinasabi ni ate.

"Wag kang umatras Mix. Isipin mo na lang na ang maging muse ng basketball team ng school ay isang opportunity para patunayan mo sa mga bullies na higit ka pa sa pagiging isang grade conscious na nerd."

Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon