CHAPTER 27: Happy Valentine's Day Chappy

13.1K 531 199
                                    

"O? Saan ka pupunta Abo?" tanong ko, "Di ba ihahatid mo ako?"

Pagkarinig na pagkarinig pa lang ni Ashton ng 'Abo' ay sinamaan na agad niya ako ng tingin. Akala ko kung saan siya pupunta, sa parking lot lang pala.

"Tss, yeah, with my car."

"Magkokotse pa tayo? Eh ang lapit-lapit lang ng subdivision namin."

"So paglalakarin mo na lang ako pabalik?" his eyebrows furrowed.

"Malamang, pero kung kaya mo namang lumipad, why not?" I grinned but he just glared at me.

Kita mo o! Ang sungit talaga nito!

"Linoloko mo na naman ba ako?"

"Hehehe, joke lang. Di 'to mabiro," walang pasabing hinila ko na siya palabas ng school. Hindi na siya nakaangal pa kaya eto kami ngayon, sabay na naglalakad, "Alam mo, mas maganda yung maglakad para ma-exercise ka."

Hindi ako sinagot ni Ashton. Tahimik lang siya habang nakapamulsang naglalakad.

"Nga pala Ash, bakit kulay abo ang buhok mo? Bakit may kanya-kanyang kulay ang buhok niyong lima? Kay Aki mint green, kay Luhan pink, kay Collosus purple, kay Clint naman blond," tanong ko, "Alam mo ba? Kapag nakikita ko kayong magkakasamang lima para kayong naglalakad na mga krayola. O di kaya para kayong casts sa movie na Trolls. Alam mo yun? Magandang movie yun."

"Daldal," he uttered.

Sa dinami-rami ng sinabi ko, yun lang talaga ang sinagot niya sa akin.

"Alam mo Abo, honestly, ang cute mo magtagalog."

Magsasalita pa sana ako nang mapansin kong natigilan si Ashton sa paglalakad kaya liningon ko siya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong namumula ang magkabilang tenga niya.

"Hala! Huii Ashton!" hampas ko sa kanya, "Ano ang ginawa mo sa tenga mo? Bakit namumula? Kinamot mo? Kinagat ng insekto?"

Hahawakan ko na sana iyon kaso tinakpan niya agad ang tenga niya.

"D-don't mind it," he stuttered. Ni hindi man lang niya ako tinignan ng diretso nang sabihin niya iyon.

Nauna na siyang maglakad kaya agad ko siyang sinabayan. Tahimik na lang ulit kaming naglalakad nang walang pasabing hinawakan ni Ashton ang bag ko kaya napahinto ako.

"Ano ang ginagawa mo?" tanong ko.

"I'll carry your bag."

"Bakit naman?"

"Your bag is heavy tapos ang layo pa ng lalakarin natin," aniya "Kaya hindi ka tumatangkad eh."

"Teka, iniinsulto mo ba ako?" tinaas ko ang kilay ko at nameywang.

Hindi naman ako maliit eh, sadyang may poste lang talaga akong kasama.

"Tss," kinuha na niya ang bag ko at isinabit iyon sa kanyang balikat.

"Salamat," sabi ko, "Pero may sasabihin ako Abo."

"What?"

Huminto si Ashton at hinarap ako samantalang nag-aalinlangan naman ako kung sasabihin ko ba ang gusto kong sabihin. Kanina ko pa kasi napapansing pinagtitinginan kami ng mga nadadaanan namin. Napabuntong-hininga na lamang ako tyaka tumingkayad para ko siya mabulungan sa tenga.

"Para tayong magjowa sa ginagawa mo," bulong ko.

"Really?" he chuckled.

Kumunot ang noo ko nang hindi ko nakitang sinamaan ako ng tingin ni Ashton. Imbes na irapan niya ako like what he used to, nanatili ang ngisi sa kanyang labi

Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon