CHAPTER 40

12K 482 105
                                    

Ilang araw na ang lumipas at bihira ko na lang na nakakasama ang boys sa school dahil sa kaka-practice nila ng basketball araw-araw. Parang bumalik ang buhay loner ko. Madalas na mag-isa na lang ako gaya ngayon.


Andito ako ngayon sa cafeteria para. As usual nasa gym ang boys para mag-practice kaya hindi ko sila kasama. Sana naman nakakain na sila. Hindi pa naman magandang practice lang sila ng practice nang walang laman ang mga tiyan nila.


"Girls, malapit na ang interschool. Aren't you excited? Kasi ako, I'm super excited na! Oh my gosh!"


Nagpantig ang tenga ko nang marinig ko ang napakatinis na boses ni Stacey. I'm sure si Stacey yun dahil siya lang ang may boses na kayang rumindi ng eardrums ko.


"Of course, we're also excited," sabi ni Tiffany, "Anyway, sino kaya ang bagong muse ng basketball team ng school natin?"


Bigla akong nasamid nang matanong iyon ni Tiffany. Agad akong uminom ng tubig para ako mahimasmasan. Mukhang tumupad nga ang boys sa deal namin na hanggang maaari ay huwag lang munang ipaalam na ako ang napili nilang muse. Jusme, hindi pa ako handa sa mga issue dahil paniguradong unang aapila ang tatlong virus ng buhay ko.


"I don't know pa eh," sabi ni Stacey, "Baka ako ulit?"


Kumunot ang noo ko. Ang taas talaga ng self-confidence niya, mas mataas pa sa grades ko.


"Or baka si nerd? Hahahaha!" tawa ni Steffanie.


Natigilan ako sa pagkain ng sandwich at humigpit ang hawak ko sa water bottle ko. Itong tatlong virus na 'to, maliban sa pag-drawing ng kilay nila ay wala na talaga silang alam gawin sa buhay kundi ang pag-usapan at pagtawanan ako. They are literally talking behind my back.


"Okay, that's funny! Hahaha!" tawa rin ng kambal niyang si Tiffany.


"Girls, hindi bagay maging muse si nerd. Mas bagay pa tuloy sa kanya ang maging water girl, hahahaha!"


Nakuha ni Stacey ang atensyon ng mga estudyanteng kumakain rin sa cafeteria dahil sa lakas ng boses niya. Nagtawanan ang tatlo at maya-maya ay nakitawa na rin ang mga nakarinig sa kanya. Tss, this is what Stacey wants, attention. Wala lang sa kanya ang makapanakit ng damdamin ng isang tao basta makakuha lang siya ng atensyon mula sa marami.


Actually, hindi lang naman ako ang biktima ng pambu-bully ni Stacey Montero, marami kami. It's just that I am her favorite target.


"Hindi ata alam ng Stacey na 'to na alam kong magpalipad ng bote," I murmured.


Kung hindi lang talaga mahaba ang pasensya ko at kung wala akong pake sa malinis na record ko rito sa school, matagal ko ng pinatulan si Stacey.


"Kyahhhhhhh!"


Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko pero natigil din iyon nang may tiliang bumulabog sa cafeteria at umagaw sa atensyon ng marami.


"Oh my gosh! Andito ang boys ng Special ANGAS!" tili rin ni Stacey.


"Kyahhh! Ayun sila Collosus!" turo ni Tiffany.


"OMG! Let's go girls!" aya ni Steffanie.


Sinundan ko ng tingin sila Stacey na parang mga bibeng kumekendeng-kendeng kung maglakad. Sa entrance ng cafeteria ay may mga nagkukumpulang mga estudyanteng di magkamayaw sa pagtili. Doon silang tatlo nakipagsiksikan at nakipagtilian.


Jusme, pag ganyang eksena ang mangyari, ibig sabihin lang niyan ay nasa paligid ang boys. Maya-maya lang ay nahati sa dalawa ang nagkukumpulan at lumantad sa gitna ang limang lalakeng may makukulay na buhok.


Nerd in Section ANGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon